Fifth Day's Acceptance

337 47 9
                                    


Noong huling araw nating magkasama, parang bumalik ka sa umpisa.

Kung paano mo ako ngitian noon . . .

Kung paano mo ako kausapin . . .

Kung paano ka maging masaya kasama ako.

Huling araw.

"Nice! Good-looking tayo ngayon, a!"

Ang saya mo.

Birthday ko.

At huling araw na magkakasama tayo.

Alas-diyes ng umaga, pero pagod na agad ako mula pa lang paggising. Bumangon akong mag-isa, naghanda kasi alam kong maaga kang pupunta.

Sabi mo, gusto mong mag-museum. Alas-siyete ng umaga, nasa park na 'ko kahit alas-diyes pa ang usapan. Tatlong oras, hinayaan kong lumipas na nandoon lang ako nakaupo sa may bench, malapit sa mga halaman.

Sobrang halaga sa akin ng oras, pero sinayang ko ang tatlong oras ko sa pagtulala.

Sabi ko sa chat, nandoon lang ako sa puwesto ko sa tapat ng museum. Hindi ako aalis doon hangga't wala ka.

Ang daming tao pero ikaw lang ang gusto kong makita. Ang bigat ng pakiramdam ko, para akong lalagnatin.

Nagbibilang ako ng oras kasi pagkatapos ng araw na 'to, tapos na rin ang lahat.

"Ang traffic!" reklamo mo noong nakita kitang papalapit.

Ang ganda mo pa rin sa floral dress. Alam kong nagsuot ka ng maganda kasi bago sa mata ko ang suot mo. Hindi ko pa kasi 'yon nakikita noon—o baka hindi ko lang siguro napansin na naisuot mo nang minsan.

"Ang lungkot mo naman!" biro mo, pero para sa akin, totoo 'yon.

Malungkot ako.

Ang saya mo.

Hinawakan mo ang braso ko, tahimik ako nang mamasyal tayo, nagsimula kang magkuwento.

"Bukas ng tanghali ang flight ko. Ihahatid ako ng assistant ni Mima sa airport. Baka raw sumunod sila sa akin bukas para magbakasyon nang ilang araw."

Tumatango lang ako sa kuwento mo. Sa ilang araw kong pagpigil sa 'yo, mukhang hindi ka naman na makikinig kahit pa magsabi ulit ako na ayoko.

Ang ganda ng araw pero parang umuulan.

Kumain tayo ng lunch—panibagong lunch na wala na namang lasa ang pagkain.

Nakailang kuha ka ng pictures nating dalawa. Hindi ako makangiti. Ang hirap ngumiti kasi alam kong bukas, hindi na kita makikita.

After lunch, pumunta tayo sa Complex kasi may indie fest.

Doon sa may entrance, namili pa tayo ng movie. Gusto ko sana yung action. Alam mo naman 'yon, e. Kaya nga 'yon din ang pinili mo.

Ang kaso . . . next Thursday pa raw ang next screening. Namili na naman tayo ng pinakamalapit sa two o'clock. Doon pa tayo napadpad sa drama.

Ayoko ng drama.

Ayoko ng drama.

Nasa loob lang tayo, nakaupo sa marble bench, yakap mo ang braso ko, naghihintay na bumukas ang gate ng cinema.

Huling beses na sigurong manonood tayo ng movie na magkasama.

"Don't be sad, ano ka ba?" Pabiro mo pang tinapik ang braso ko at hinintay na magbukas ang malaking pinto.

Hawak kita sa kamay, pero ramdam kong sa ating dalawa, baka ako na ang unang bibitiw.

Pagpasok natin sa loob, ang dami pa ring tao kahit hindi ganoon karami gaya sa mga mall.

The Fifth Day's PainWhere stories live. Discover now