CHAPTER 8

64 1 0
                                    


POV:JEWEL


Nandito ako ngayon sa likuran ng bahay medyo malamig kasi dito at sa taas nito ay puno ng avocado na medyo lumalaki na rin.

Hawak ko ang cellphone ko nag chat kasi sa akin ang mga ate ni Hendel oo mga ate niya tinatanong nila kung dito pa daw kumain si Hendel at kung ayos lang ba na dito muna siya sabi pa nila mag dadala daw sila ng mga damit ni Hendel at bibisita daw sila dito na tuwa naman ako at agad na pumayag.


Namula ako ng tinananong pa ni ate Hazel kung nasaan daw yung asawa ko sinabi ko wala namana akong asawa tapos sabi niya asawa daw ako ni Hendel jusme.

Habang na nonood ako sa you tube biglang nag chat si Hendel tinatanong pala niya kung ano ang ginagawa ko sabi ko na nonood at sabi pala niya maaga daw itong uuwi dahil pupunta yung mga ate niya may mag babantay naman daw sa last class niya yung practice teacher niya kaya yun ang sabi niya sa akin.

Habang na no nood ako di ko na napansin na 4pm na pala ng hapon baka dadating na si Hendel tumayo na ako at pumasok sa loob ng bahay, Nagugutom ako gusto ko bumili kinuha ko yung bag ko at kumuha ng 100 bibili ako ng meryenda agad na akong nag lakad pa labas.


Di pa naman uwian ng nga studyante ngayon kasi mamaya pa ata mga 5 pa uwian nila ng medyo maka lapit ako nakita ko mga ka trabaho kumaway ako sa kanila at ganon din ako lumapit ako sa kanila.

"Hoyy shala ha bes humahaba ang iyong hair nako, Pina alam ka daw ni sir Angelo kay Ate Hydie na hihilo ka daw kamusta ang juntis?" sabi ni Clarisse naka pa mewang pa ang loka.

"Okay lang naman ako kaninang umaga lang talaga" Sabi ko sa kamya.

"Nako ikaw ha balita ko sa bahay mo daw natulog si Sir Angelo?" Bulong pa niya sa akin ayonn di naka ligtas talas talaga ng pandinig niya.

"Ah oo" Sabi ko na lang para tumigil na siya sa pang aasar.

"So bat ka andito juntis hmm?" sabi niya.

"Bibili ng pag Kain na gugutom ako eh" Sabi ko sa kanya.

"Tara fishball tayo" Sabi niya at biglang hinila ang kamay ito talaga nako pumunta kami sa may bandang kanan kung saan nandun si Manong na nag titinda ng mga fishball.


Pumili ako ng kwek-kwek, fishball at kikkiam at bali 40 ang nabili ko yung malaking baso at bumili ako ng palamig agad ko kinain yung kwek-kwek hmmm ang sarap Samantalang itong kasama ko naman kumakain na din nag bayad na kami kay manong at nag lakad na.


"Dito ka muna " Sabi niya sa akin at umupo kami sa may upuan dito sa harapan ng karinderya tumango ako sa kanya, Biglang tumunog ang cellphone na hawak ko nilapag ko ang kina kain ko at binuksan ang message galing kay Hendel.


"Where are you?"Sabi niya  ni replyan ko naman agad ito na nasa karinderya ako sabi niya mag bibihis daw siya at pupunta dito.

"Bes Nakita mo bang lumabas ng gate si Hendel kanina?" Tanong ko kay Clarisse na kumakain tumango siya.

"Ah oo bakit?" Sabi niya naman.

"Wala, pupunta daw siya dito" Sabi ko sa kanya.

"Ehermm nako ikaw ha" Nanunukso na sabi niya natawa naman ako, Habang kumakain kami ng bigla kung natanaw si Hendel pa punta dito may nag sisilabasan ng studyante nakita ko siyang naka short ng black at white t shirt jusmiyo ang puti niya diko kinaya ngumiti siya at ganon din ako.

Pinaglihi ba siya sa Singkamas?

"Yung laway bes tutulo" Sabi ni Clarisse agad ko na kinapa yung bibig ko di naman basa sinamaan ko ng tingin si Clarisse.

Unwanted Romance ( COMPLETED )Where stories live. Discover now