Can I talk to you?

7.2K 37 5
                                    

Mika's POV

Hindi ko mapaliwanag kung anong nangyari sakin kanina. 

Lutang na lutang utak ko ngayon.

Hindi ko pa din makalimutan ang mga matang nakatitig sa akin ng lalaking yun.

Iba yung pakiramdam.  Ayoko mang aminin pero mas parang may spark yung moment namin kanina nung lalaki kesa sa tuwing kasama ko si Jeron.

Hindi ko naman sinasabing walang spark pag kay Jeron. It's just that mas imba yung kuryenteng dumaloy sa katawan ko habang kasama ko yung lalaking tumulong sa akin kanina.

Hindi siya isang Lasalista, naka-color blue sya eh.  Wearing an Ateneo t-shirt.  Siguro isa dun sa mga kasamahan nina Fille na nanood.  Or hindi naman kaya isa din syang player?  

Dumeretso na ako sa dorm namin dahil hindi nga ako makapag-isip ng ayos dahil sa nagyari.  nanghihina pa din ang mga tuhod ko kaya dalawang kamay ko na ang pinangkakapit ko para lang makaakyat ng hagdan.  Nasa 3rd floor pa ang aming room ni Ara kaya hirap na hirap ako.

Nagtitinginan na nga sa akin ang mga lalaking bumaba.  May isa nga na hindi na nakatiis na tanungin ako kung ayos lang ba ako at nag-alok na din ng tulong pero tumanggi ako.  Nakakahiya naman kasi na magpapatulong pa ako.  

When I Come Across Your Heart ( ON HOLD)Where stories live. Discover now