CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Kinabukasan ay hindi ako lumabas ng bahay, ginugol ko nalang ang Oras ko sa pag internet at nagkulong lang sa kwarto ko.

Hindi mawala sa isip ko iyong pagyakap nung mica sa likuran ni Adi tapos bigla silang nawala.

Malamang ay umakyat sa kwarto dahil hindi na nila napigilan.

Damn!

I hate you Adi! I hate you!

Sa subrang inis ko inimagine ko ang Mukha niyang nasa kama at malakas na pinag susuntok.

"Landi mo!"

"Ang landi landi mo!"

"I hate you Adi! I hate you!" Nagmumukha akong baliw sa kakasigaw sabay turo pa sa kama na kunwari ay naka higa siya.

Napahinto lang ako ng kumatok si ate melda.

"Ma'am okay ka lang ba diyan? sino hong kausap niyo?"

I cleared my throat.

"W-wala po ate na nonood lang po!" sagot ko.

Umayos ako ng upo at hinilamos ang Mukha.

Nababaliw na talaga Ako.

Ganto ba talaga ang epekto niya sa'kin?

Ganito talaga siguro kapag Inlove right?

Tama! Valid naman ang reasons ko.

Napakunot ang noo ko ng may biglang tumawag sa cellphone ko na Hindi naka register sa phone ko.

Hindi ko sinagot at pinabayaan ko lang ng mag ring ng ring, naka tatlong tawag na siya pero hindi ko lang pinansin.

Mga manliligaw na naman siguro.

Bahala kayong tumawag diyan.

Ayoko na! Loyal ako ky adi ko.

Kahit Minsan ang sarap niyang tirisin. Pinagdikit ko pa ang dalawa kong hinlalaki na animoy tinitiris siya.

Bigla akong napatigil nang mag pop up sa taas ng cellphone ko ang isang text galing sa parehong Numero.

Hindi ko sana papansinin pero kaagad bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ang text niya.

Sunod sunod ang text na nagsi datingan.

Kinalma ko muna ang sarili bago basahin.

Unknown Number:

Why your not answering my calls!

I'm sorry about yesterday Irina.

I'm waiting for you to come here but i know why you didn't come.

It's not what you were thinking.

Iyon ang mga text niya. matagal bago nag sink in sa'kin yong mga text niya.

Si Adi to sigurado ako.

So wala naman palang nangyari.

OA ko! kasalanan na naman to ni Irish!

At bakit siya nag so sorry? hindi ko naman siya jowa.

At saan niya nakuha ang number ko?

Napatingin ako sa cellphone Kong sunod-sunod na namang nag vibrate hudyat na may panibago na namang text.

Unknown Number:

Your not replying 🥺

Are you busy?

I said I'm sorry.

Pumikit ako at d'ko maiwasang hindi mapangiti sa ginamit niyang emoji.

Haha kyut!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Summer 34 (summer Series 1)Where stories live. Discover now