Chapter 3: Welcome Back!

0 1 0
                                    


Easy on Me by: Adele is on Top. Just watch or listen to the song para mas feel na feel yung chapter na 'to😊🤗😘.

Ash's pov

"Ma mi-miss ko kayong lahat dito".

Ako habang umiiyak na nagpapaalam sa mga taong nakasama at naging bahagi ng buhay ko sa mahabang panahon.

"We will miss you too young master".

Ani ni Sebastian na head ng mga butler dito sa mansion namin. Isa siya sa mga taong naging malapit na din sa puso ko.

"Mag-iingat po kayo doon young master. Subra pa namin kayong ma mi-miss dito sa mansion".

Ani ni Yaya Emily, ang head ng mga maids.

Silang dalawa ni Sebastian ang naging katulong ko dito para mas makapag-adjust kagad ako sa bago kong buhay. Ang laki ng naging tulong nila sa akin habang nasa pinak-vulnerable state pa ako.

They're both treated me as their own son. So, in return with their kindness and being kind-hearted I also treated them as my parents as well. Their guidance and love will stay at my heart until my last breath.

Sa huling pagkakataon ay niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. Yakap ng pagmamahal. Yakap ng pasasalamat. At yakap ng pansamantalang pamama-alam.

"Paalam po sa inyong lahat. Ma mi-miss ko kayong lahat dito. Kapag may libreng oras at pagkakataon ay bibisita Po ulit ako dito".

Huling sabi at pamama-alam ko sa kanilang lahat.

........................................................................

"Good morning passengers we are now landed at Ninoy's Aquino International Airport. Welcome to the Philippines!".

Andito na ako.

Nakabalik na ako.

Oras na para harapin ang bagong ako.

"Let's go na Apo I know your parents are already at the gate of this airport. So, shall we baka naiinip na sila kakaantay sa atin ...hahaha".

Ang sabi sa akin ni Lolo habang nawala ako kanina sa aking sarili sa pagbabalik-tanaw ko.

Nag yes naman ako kay Lolo at sabay na kaming naglalakad papuntang gate Kung saan nag-aantay sila mommy.

Dapat gagamit kami ng private plane pero sabi ko kay Lolo na okay lang kahit hindi na. At napilit ko naman sila Lolo. No'ng una ay nag-aalala pa sila baka di pa ako sanay sa maraming tao pero sabi ko naman na I can cope and manage naman. And then they all agree kahit mga napipilitan lang.

Kasama naming naglalakad ang ilang mga tauhan kasama na ang mga bodyguards namin papalabas ng airport.

Pagkatapak pa lang namin sa main gate ng airport palabas ay sandamakmak na mga reporters na Ang naka-abang at kaliwa't kanang flash ng mga camera nila sa amin.

"Me. De La Mercid bakit biglaan Po ang pag-uwi niyo ng bansa?".

-reporter 1

"Sir totoo po bang last contract niyo na lang po ba sa isang kilalang clothing brand at modeling agency ng Europe? Hindi na po ba kayo pumirma ulit?".

-reporter 2

"Sir single pa din po ba kayo hanggang ngayon?".

-reporter 3 habang namumula ang pisngi.

"Mr. De La Mercid saan po pala kayo mag-aaral ngayon? Dito na po ba sa Pilipinas o sa Europe pa din Po?".

-reporter 4

Ang dami pa din nilang mga tanong sa akin pero kahit ni isa ay wala akong sinagot kundi isang matamis na ngite lang. Yung ibang mga lalaki at babae Naman sa kanila ay parang na-estatwa pagkakita nila sa ngite ko. Ewan ko lang parang natulala silang lahat bigla. Baka gutom at pagod lang ako Kaya Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.

We are now heading to our car na Kung saan nandodoon ang pamilya ko.

Pagka-bukas na pagka-bukas ko pa lang ng pintuan ng Kotse namin ay siya 'ring pag-putok ng confetti at sabay-sabay silang bumati sa akin ng welcome back bunso, anak.

Andito silang lahat. Sila mama, papa, kuya ate ate. Lahat sila andito ngayon sa sasakyan.

"Welcome back anak".

Ang maluha-luhang sabi ni man sa akin.

"Welcome back bunso".

Sabi naman ni ate.

"Welcome back baby Ashie".

Si Kuya habang ginu-gulo ang buhok ko sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Ako ..ito umiiyak din dahil sa galak at saya. Subra ko silang lahat na na-miss.

Pagkatapos naming mag-iyakan at kamustahang lahat sa kotse ay suminit na si Lolo.

"Tama na yan. Sa bahay niyo lang ituloy ang iyakan at kamustahan nating lahat. Alam kong pagod pa itong si Ash sa biyahe dahil di pa yan masyadong sanay... Hahaha".

Si Lolo habang tumutawa pa.

"Lo' naman...".

Ako habang naka-pout pa. Ini-inis Kasi ako ni Lolo. Alam naman niya kasing pangatlong beses pa lang ako nakakasakay ng eroplano kaya Kung maka-asar sa akin".

"O, siya siya... Tamang tama anak nagluto ako ng mga paborito mo Kasi alam kong miss na miss mo na din ang mga pagkaing Pinoy".

Si mama habang excited na excited na umuwi sa mansion namin dito sa Pilipinas.

Sa totoo lang, bihira lang kami doon makakain ng pagkaing Pinoy kapag nandoon lang sila mama kasi nasanay na sila Lolo at Lola sa pagkaing pang-western style. May mga lahing kastila kasi sila.

........................................................................

"Pina-ayos ko na ang kuwarto mo anak kaya you will get rest na kagad. I know you're tired from the flight Kaya go ahead na muna sa room mo tatawagin ka na lang namin mamayang lunch".

"Sige po mommy. Daddy, ate, Kuya at 'Lo akyat na po muna ako sa taas. Magpapahinga lang po ako sa saglit".

Paalam ko sa kanilang lahat.

"Sige na bunso akyat ka na sa taas. We will catch up na lang later pagka-gising mo".

Sabi naman ni ate.

Habang papunta ako sa taas ng room ko gamit ang hagdan ay isa isang nagsipag-balikan sa akin ang mga masasayang ala-ala ko dito. It was a short flashbacks. A very memorable memories of mine here at our home.

Pagpihit ko ng seradura ng pintuan ng room ko ay unti unting bumungad sa akin ang loob ng kuwarto.

From the white walls, to the long red sofa, a very modern and artistic ceilings with three kinds of chandeliers hanging out there, to the balcony with full of different plants and flowers which really caught my attention. Alam na alam talaga nila mommy Kung ano ang nagpapasaya sa akin. I will thank them later at lunch. Pag-tingin ko sa gitnang bahagi ng room ko ay doon naka-puwesto ang king size bed ko. The room was very big and spacious. Halos kasing-laki lang ito ng room ko sa Europe.

Finally, I'm really back.

I'm back.

The Last Member of Vongolia FamiliaOnde histórias criam vida. Descubra agora