17 | Narration

6 0 0
                                    

ELIRA VALENCIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ELIRA VALENCIA

Our meet-up was supposed to be at 1 pero i'm here na sa court ng palar even though it's only 12:50pm.

Maaga na ako pumunta kasi baka mainis pa sya if nalate ako. Baka totally mawala pa yung kwintas if ever.

Nabaling attention ko sa phone ko when I received a message.

Jace Lorenzo : What are you wearing?

Napa tingala ako and nilibot mata ko, is he here? Where is he?

Mag sisimula palang ako mag type ng reply when he messaged me again.

Jace Lorenzo : Nvm. i think i see you, Black Hoodie?

Tumingala ulit ako at sinubukang hanapin siya. "I'll take that as a yes." I heard a deep voice whispered in my ear.

Napalingon ako sa direksyon ng boses and muntik ng matumba sa gulat nang mag tama mga ilong namin sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Careful," he said grabbing my shoulders bago ayusin yung tayo ko.

"A- ahh... Thank you," napa yukong sabi ko

"Shy type ka pala in person 'no?" I heard him chuckle.

"No." Agad kong sagot "nagulat lang ako sayo."

Sino ba kasi ang hindi magugulat sa ginawa niya?

Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa bago umayos ng tayo.

Shit, ang tangkad. I thought to myself.

He was leaning towards me kaya akala ko halos same height lang kami.

Kinakabahan ba ako? Bat ambilis ng heartbeat ko? Wala naman siguro syang gagawin sakin.

"Chill, I won't hurt, nor touch you." he said breaking my chain of thoughts. Marunong ba s'ya mag basa ng utak?

Humarap sya sakin at may kinuha sa bulsa nya. Halos maluha ako nang makita ko ulit yung kwintas kong hawak nya. Kukunin ko na sana nang bigla nya ibinulsa ulit.

"Not so fast... we had a deal, remember?"

I rolled my eyes and took out my phone. Pumunta ako conversation namin sa account na binlock nya ako pati current convo namin and dinelete. Then went to photos and deleted those as well .

"Sa deleted? I delete mo sa recently deleted."

Nangilabot ako when i felt his breath on my neck. Di ako lumingon but I could see in my peripheral vision na malapit mukha nya sakin na naka tingin sa phone ko

Binalik ko tingin ko sa phone and dinelete din sa recently deleted yung pics and vids nung gabing hinabol ko sya and any form of evidence I could've used against him.

"There, happy?" I asked taking a few steps back

Nginitian nya ako at naramdaman kong biglang uminit yung paligid.

"Hey... Hey," he yelled making me snap back to reality "Sobrang tuwa mo ba na natulala ka na sa kwintas?"

Nang mahimasmasan ako na realize kong hawak nya sa harap ng mukha ko yung kwintas, I immediately took it and nilagay agad sa wallet ko para sure na di na mawala.

"Thanks..." sabi ko at tumingala para harapin siya.

"Welcome," he tilted his head as he spoke.

"Cute," bulong ko nang mag kamit mata namin.

"Cute ng?" Taas kilay nyang tanong sakin.
Nataranta ako at tumuro nalang kung saang direksyon. "'Yun! Yung cafe na yon.."

"Yung black and white... industrial style cafe?" naguguluhang tanong nya ng naka tingin kung saan ako naka turo.

"Tara, kape tayo?" sigaw ko na ikina gulat niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Along Taguig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon