Chapter 32: Rebound Man

2.5K 80 1
                                    

THIRTY TWO

ROMEO

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa kama ko. Nagbihis ako ng damit ko na pantulog, habang nagbibihis ako, may narinig akong ingay sa sala.

Kaya pumunta ako sa sala para tignan ito. May nakaupong lalaki sa sofa.

"Seven?" Lumapit ako sa kaniya. Nakaupo lang siya at nanunuod ng TV.

"Oh? Gising ka pa Baby?"

Hinagkan ko siya ng napakahigpit. "I miss you." Mangiyak-ngiyak kong binati sa kaniya.

"Kailan ka nakauwi?" Bungad na tanong ko sa kaniya pagkalas ko palang.

"Kanina lang." He smiled at me. "I miss you too." He kissed me on my forehead, "God, I really miss you." Hinalikan niya ako ulit sa forehead ko.

We've been dating for like-- almost four years. Ang tatag nga namin. We both met in Paris, fine arts ang pinagaaralan niya do'n at iisang college lang kami nu'n.

We're both legal sa Mom ko. My Mom approved of him, since he is a filipino at anak ng isang Senador sa pilipinas. His name is Seven Samonte.

He kissed me in the neck. Pababa sa Collar bone ko. Nakikiliti man at nasasabik ako, I stopped him. Puyat na puyat kase ako dahil sa trabaho.

"What's wrong?" He asked me.

Umiling lang ako atsaka tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Excuse ko lang sa kaniya na puyat ako sa ngayon. Wala lang talaga akong gana.

I know, he's just a rebound. Hindi ko siya sineseryoso, it's just natural for me to act na namiss ko siya at ihug siya. Pero nagdududa talaga ako kung mahal ko pa ba ang taong 'to.

Yes, four years.

Four years ko siyang pinaasa. I don't know why but he still keeps this relationship going. Maybe iba ang pakay nito. I don't know, I don't care.

Dumiretso ako sa kwarto ko at natulog. I just need to rest for the night, dahil bukas. Maaga pa ako.

...

DRAKE

"Okay. Okay. Sure, no problem."

"Hon? Sino 'yan?" Tanong ko sa fiancée ko.

Binaba niya ang phone niya atsaka tumingin sa akin. "Oh, ang assistant lang naman ng Designer ng gown ko hon." She sighed. "Busy kase ngayon ang Designer, kaya maybe next week ko nalang siya mamemeet." She explained.

"Oh." I kissed her on the neck.

"You know what 'Hon? Sama ka kaya next week, para mapagusapan natin pati ang susuotin mong damit sa kasal." Alok niya sa akin.

"Sure." Ngumiti ako sa kaniya. "Kelan 'yan?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa Monday."

"Hon, may meeting kami eh. But I promise you na dadating ako, kaya pwede mauna ka nalang?"

"Sure."

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa dining table. Dumiretso ako sa kwarto para kunin ang susi ng sasakyan dahil pupunta na ako ngayon sa Office ko.

"Hon, pasok na ako." Paalam ko kay Juno at hinalikan siya sa pisnge.

"Geh, umuwi ka ng maaga ha? 'Wag kang uminom." Ngumiti lang ako sa kaniya atsaka lumabas na ng bahay at pumasok na ng sasakyan.

Habang nasa daan, nadaanan ko ang isang bagong bukas na shop ng jeans. May natanaw akong isang pamilyar na lalaki, all black pa nga ito eh. Nakasuot ito ng Black long sleeves atsaka naka distressed na black jeans. Siya mismo ang nagcucut sa ribbon ng bagong bukas na store. Nakangiti pa itong nakatingin sa camera.

Tinignan ko ito mula paa hanggang ulo, at nabigla nga ako sa nakita ko.

"Romeo."

End of Thirty Two

Hey Guys! Today BB's reads is close to 20k, so as a gift I'll be updating two chapter for you all! Thank you. And also, sorry for being so inactive. 😓

Bad Blood (boyxboy)(bromance) -completedWhere stories live. Discover now