Prologue

2 0 0
                                    

"Kailanman hindi ko kayang tanggapin iyang bastardo mo!" sa murang na edad ang katotohanan ang siyang nagbukas sa aking mga mata na ang mundo ay ginawa upang ang mga katulad ko ay dapat hindi pinipilit ang sarili sa mga taong hindi ako kayang tanggapin. Kitang kita ko kung paano lumuluhod na nagmamakaawa ang aking ina sa paanan ni Ginang Leafe. Isang mapanghusgang tingin ang iginawad niya sa akin, puno ng disgusto ang kanyang mga mata at matiim itong nakatingin sa nanay kung nakaluhod pa din. 

"Hindi ko akalain na isa ka palang puta Alejandra at talagang sa asawa ko pa talaga. Uhaw na uhaw ka ba sa lalaki?" angil nito kay nanay na walang hinto sa paghikbi. "At ikaw namang akala mo sinong marangal aba eh may baho din, Kailan pa! Demonyo ka, madumi ka pa!" pilit siyang niyayakap ni Ginoong Martin na wala manlang emosyon. Hindi maipagkakaila na ama ko siya ang mukha niya ay kuhang kuha ko. 

"Leafe, nagmamakaawa ako ang anak ko..." hindi na ni nanay natapos ang sasabihin niya ng tadyakan siya ni Ginang Leafe, tumakbo na ako papunta kay nanay na hirap bumangon pagkatapos itong matadyakan. 

"Tama na po, please!" sigaw ko, napatigil naman siya sa pag angil subalit ang matang singkit at napalitan ng pagkabigla ng makita namin pare pareho ang pulang likidong dumaloy sa binti ng aking ina. Dugo na siyang hindi ko alam natulala lamang ako kay nanay na umiyak lalo at biglang pagbuhat sa kanya ni Ginoong Martin. 

"Nanay ko!" sigaw ko at tumayo. Walang takot na hinarap si Ginang Leafe. 

"Bakit mo sinasaktan si nanay, ang sama sama mo!" doon ko nalang naramdaman ang malamig na sahig bunga ng isang malakas na sampal na iginawad niya sa akin. Nalasahan kung parang kalawang sa loob ng bibig ko. Nakita ko na si nanay na karga karga ni Ginoong Martin, isinakay sa sasakyan.

Nangangailiti siya sa sobrang galit "Mga hayup!!!" sigaw ni Ginang Leafe, dinampot ako ni Mang Nono at dinala sa labas bago paman ako muling masaktan ng Donya. 


"Nak! tama na ang kalalaro diyan sa mga palaka baka mamaya pati ikaw ay magkokak din!" pagtawag ni nanay sa akin. Nakaupo ako sa gilid ng sapa at pinaglalaruan ang mga butete. "papunta na po ako, teka lng!" naghugas lng ako ng paa at kamay at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan nila ni tatay at mga kapatid ko na lalaki. 

Maraming sasakyan ang nakaparada sa bakanteng lupain na sabi nila nanay ay pagmamay ari ng mga mayayaman. Mais at palay ang produkto nila na siyang inaani nila nanay at tatay. May mga lalakeng nakaitim din na nakatayo doon may rayban pa na suot. "Aba ang gara naman ng bisita namin ngayon." wika ko at binilisan pa lalo ang pagtakbo papunta sa kubo. 

"Martha ang lupang ito ay isinangla lamang at ngayon binabawi na ng mga anak ng may ari." dinig kung sabi ng lalaking nakaupo, habang sina nanay ay nakatayo lamang. Narinig ko nalang ang paghikbi ni nanay, kita ko na yumakap siya kay tatay. 

Tumikhim naman si tatay at hinarap ang lalaking nakaupo. "Eh sir baka pwede naman pong bigyan kami ng palugit kahit isa pang taon, buntis kasi si misis at bata pa ang mga anak ko." pagmamakaawa niya. 

"oo nga po, dito kasi kami nagtatrabaho.." sabat ni kuya Makmak na kakadating lang naman. 

"Mak wag ng makialam." saway ni tatay pero di siya nagpatinag, lumuhod siya sa harap ng mama. Hinawakan niya pa ang ang kamay ng lalake. 

"Iho, hindi ako ang may ari, kahit gusto ko kayong kaawaan ay di ko magagawa. Ang sabi nga ng may ari pag di daw kayo aalis ay mapipilitan daw ang pamilya na ipaligpit kayo." tila naman napanting ang taenga ni kuya, bigla niyang tinutukan ng itak ang lalaki. 

"Dong, ilayo mo si maumae dito!" wika ni tatay na agad namang ginawa ni manong, pilit kung tinitingnan kung ano ang nangyayari ngunit si manong ay pinababalik ang akin ulo. 

"Ginago dang imo, du sin o gd kmo nga kwartahan!" dinig namin. 

"Nay, nanay!" dinig namin at ang huli ko na lamang nasaksihan ay ang walang malay namin na ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fields of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon