Chapter 1

21 5 1
                                    

I was 14 years old grade 9 na ako, monday ngayon at as usual may pasok, mag kasama kami ni tina mag kaklse din kami kaya talaga namang lagi kaming mag kasama mapa recess lunch at uwian.

Nag karoon kami ng project for science constallation na ang topic namin at need namin gumawa ng constellation tube at by partner yon pumayag ang teacher namin na kami na ang pumili ng kapartner namin kaya pinili ko na si tina pumayag naman sya syempre sagot ko meryenda e madali lang naman yon pero gusto ni tina gumala kaya sa bahay namin kami gagawa may kalakihan ang bahay namin at may kaya sa buhay dahil may business sila mama at papa

Nag iisip ako ng meryenda namin ni tina at nag hahanap nadin sa google ng zodiac sign na ilalagay namin sa constellation tube nakapili na ako at libra ang napili ko pero itatanong ko din kay tina kung okay sakanya yun maya maya ay may nag notif na sa screen ng phone ko kaya pinindot ko only to see tina's chat

Tina ganda:
Hoy zea papunta na ako labasin mo ako ha ang laki kase ng aso nyo e kasing laki ng sama ng loob ko sa teacher natin sa filipino.

Natawa ako sa chat nya dahil galit na galit talaga sya sa teacher namin ng filipino dahil pinatayo sya matapos hindi makasagot sa tanong about sa novel ni Dr. Jose Rizal hiyang hiya sya non dahil nakatingin sakanya ang crush nya sa room at bilang isang mabuting mag aaral at bestfriend nya syempre hindi ko sya tinulungan tinawanan ko lang sya kahit na nag mamakaawa na ang mata nya sakin

Nilabas ko na si tina dahil baka maiyak pa ang babae dahil takot na takot sya kay shine na golden retriever lang naman nag katrauma kase sya sa dogs nung bata sya dahil hinabol at kinagat sya ng aso ng kapit bahay nila nasa bahay nila kami non kasama nya ako para bumili lang sana ng halo halo sa kapit bahay nila pero bigla kaming hinabol ng aso

"Hays buti nalang nandto kana sa labas nyo akala ko gagaguhin mo pa ako e" ani tina na napahinga pa ng malalim

"Shunga mo mabait naman si shine ha tatakot ka dun e malambing nga yon" sagot ko

"Wala ng mabait sa mata ko!" Saad nito na sya naman kinatawa namin

Pumasok na kami ng bahay para makapag start ng gumawa ng project sa wednesday pa naman ang pasahan nito pero dahil ayaw namin ng narurush ginawa na namin agad

"zea kain muna tayo patapos naman na tayo nagugutom na talaga ako" saad ni tina

"Oo na lagi ka namang gutom!" Pag aasar ko sakanya agad naman itong sumimangot kaya natawa ako sa muka nya tina was always there for me lalo na't minsan wala sila mama dahil busy, si ate ko naman ay inaalagaan si zane 2 years old na sya kaya may kalikutan narin sya; bumaba na ako para pumunta kay ate celia sya ang tiga pamahala sa bahay namin at katuwang din ni ate sa pag babantay kay zane

"Ate celia nasan napo yung carbonara na pinaluto kopo?" Tanong ko sakanya si ate celia ay working student patapos na sya sa college at need nya ng extra income kaya pumasok sya dto samin

"Nandyan sa kusina bebe zea" saad nya

"Thankyou po ate!" Agad akong pumasok sa kusina para makuha na ang kakainin namin ni tina sure akong magugustuhan niya ito kase paborito nya ang pasta agad akong pumanik sa taas dala ang carbonara at juice napansin ata ni ate celia na nahihirapan ako kaya tinulungan nya na ako mag panik eto kasing si tina hindi ako sinamahan nahihiya daw sya e lagi nga syang nandto samin kapal talaga non

"Dto napo ate thankyou po sa pag tulong kase etong kaibigan kong gutom hindi man lang naisip na nahihirapan akong iakyat e!" Pag paparinig ko kay tina agad naman natawa samin si ate celia

"Osya galingan nyo ha! Pag patuloy nyo lang ang pag abot sa pangarap nyo" gentle reminder samin ni ate celia iyon lagi pag nakikita nyang busy kami or kahit ako pag nakikita nyang may ginagawa ako minsan nga ay tinutungan nya pa ako

"Thankyou po ate" sabay naming sabi ni tina, top student kami ni tina kasama din kami sa dean lister kaya talagang madaming nag eexpect samin pero hindi nila kami pini-pressure na sya naman kinatutuwa namin ni tina kaya hindi din kami nahihirapan or napapagod bilang students

Almost dinner na ng marinig ko si mama "im home babies" agad akong napangiti ng marinig iyon hinitak ko si tina naka upo sa kama ko

"Huy teka teka san tayo pupunta?" Tanong nya habang tumatakbo kam isa hallway

"Nandyan na sila mama at papa mag bless ka babaita" saad ko

Ng makita ko si mama at papa ay agad ko silang niyakap, nasa likod ko si tina na iniintay akong kumawala sa yakap agad namang nag mano si tina

"Oh tina dear nandto ka pala nag dinner kana ba?" Tanong ni mama

"Ah hindi napo tita okay napo kami kumain na po kami ni zea uuwi nadin po ako pagabi nadin po" saad ni tina na kinagulat ko wow ha humihindi sa pag kain

"Nako kumain kana dto bago ka umuwi hahatid kana din namin para safe kang makauwi" saad ni papa

Nangiti kami ni tina kaya inaya ko na agad sya sa hapag naka ayos nadun ang pag kain dahil naihain na ni ate celia umupo narin si ate zyra si zane ay napatulog nya na

"Zyra anak sorry ha sayo naiwan si zane wala pa kase si ate mira" saad ni mama kay ate zyra nag leave kase si ate mira dahil may aasikasuhin daw ito sa province nila

"Okay lang ma, masaya naman kalaro si zane tyaka nasasabi nya narin yung pangalan ko HAHA" saad ni ate ngumuso ako dahil hindi pa kaya ni zane sabihin ang pangalan ko

Pag tapos namin kumain ay hinatid na namin si tina dahil tinetext nadin sya ni tito otto nag bumaba din ako para ihatid mismo sa bahay nila si tina at makapag bless din kay tito

"Thankyou zea sa pag hatid sa anak ko" saad ni tito otto ngumiti ako at tumangi bago nag paalam na aalis na dahil hinihintay ako nila mama

Weakness Where stories live. Discover now