PROLOGUE

3.3K 60 2
                                    

Habang naglalakad si Avyanna ay hindi nya mapigilan ang hindi mapatingin sa paligid at magmat’yag sa kung ano ang nangyayare. Habang naglalakad sya ay aksidenteng may bumanga sa kanyang babae na puro’s harina ang mukha at ulo. Napasipat sya ng tingin sa mga mata nitong lumuluha at tila wala man lang tumulong sa kanya. 

“Ayos ka lang ba?” walang ganang tanong nito. 

Hindi man nababakas sa mukha ni Avy ang pag-aalala ay hindi naman nya gustong ipakitang naaawa sya sa babae. Napasinghap ang babae ng bigla na lang itong batuhin ng itlog at ang masama pa doon ay tumalsik din iyon sa muka ni Avy. Hindi na nagsalita ang babae at tumakbo na lang ito papalayo at sinundan naman ito ng tingin ni Avy. 

“Hindi ko alam na mero’n pa lang bully sa school na ‘to,” walang ganang sabi nya at saka sya tumingin sa ibang direksyon. 

Pinunasan nya ang talsik ng itlog sa kanyang mukha at nang makarating na sa room ay napatitig sya sa pinto dahil na nakasarado ito. Hindi nya alam kung papasok na ba sya agad o kailangan nya munang kumatok. 

“Should I knock or not?” bulong na tanong nya. “Maybe I should,” sabi nito at saka sya kumatok at pinihit ang siradora. 

Sa kanyang pagbukas ay tumambad sa kanya ang pagbato ng mga kaklase ng mga itlo na agad nyang iniwasan lahat at sa huling pagbato sa kanya ay tumalon ito paikot sa ere at sa puntong iyon ay nakaluhod ang isang binto nya habang ang isa naman ay nakatukod. Ang kamao ay nakatutok sa sahig at iniangat nito ang kanyang mukha at walang ganang tumingin sa mga kaklase nya. 

“Woah,” hindi makapaniwalang usal nila. 

Napako ang tingin ni Avyanna sa isang lalakeng itim na itim ang buhok at mero’ng hikaw sa kanyang tainga at sa may gilid ng kilay nito. Matangos ang ilong, may brown na mga mata at mero’n syang itim na aura. 

“Is this the way you welcome the newcomers?” tanong nya at saka nya inayos ang kanyang sarili.

HER SECRET IDENTITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now