CHAPTER 13

699 19 0
                                    

THIRD PERSON’S POV

Nakarating si Avyanna sa isang malaking bahay at pagpasok niya doon ay kita ang galit sa mukha nito. Wala ng mga guess at naro’n sa sala ang kaniyang kinilalang Lolo at naghihintay sa kaniya na dumating. Tila ba hinintay ng mga ito na bumalik si Avyanna.

“What was that?” galit na tanong nito. “Hindi ko naiintindihan ang nangyayari!”

“Calm down, Ava.” Napalingon si Avyanna sa lalaking tumawag sa kaniya ng Ava.

“What?”

“I’m not Ava, and I am not going to change my fucking name!”

“Avyanna,” mahinahong tawag ni Avilino sa kaniyang apo.

“Lolo, what’s happening? May mga taong nasa bahay ko!” asik nito.

“I know,” sagot nito.

“Sorry for hiding these secrets from you, Avyanna. I was planning to tell you, but I can’t ‘cause of the numerical danger around,” saad ng Daddy nito at lumapit sa kaniya saka hinawakan ang kamay nito.

Halata sa mukha ni Amila ang inis at ang pagtataka sa kung ano rin ang nangyayari. Maraming mga body guards sa buong paligid at alam nito ang kung anong maaring p’wedeng mangyari ano mang oras. Napapamura naman sa isip si Avyanna dahil iniisip n’yang may exam pa siya bukas at hindi siya makapag-review dahil sa mga taong nasa bahay niya. Huminga ng malalim si Avyanna at saka niya tinignan ang mga taong nasa harapan niya at ipinikit ang mga mata saka muling nagmulat at walang kahit na anong pinakitang ekspresyon ng mukha.

“Sa dami ng mga nangyayari wala akong panahon para makipaglaro sa kanila. May-exam ako bukas at hindi ko gusto na may istorbo. Kung ano ang nangyari ngayon ay kalimutan niyo at pakiusap. Ano man ang gusto n’yong sabihin na rebelasyon pakiusap hayaan n’yong ako na ang tumuklas no’n,” sabi nito at saka tumalikod pero tila may nakalimutan pang sabihin kaya muli s’yang humarap at tinignan ang lalaking tinawag siyang Ava. “Don’t call me, Ava. I’m Avyanna and not Ava. Kung gusto niyong bumalik ako hayaan n’yong ako ang kusang gumawa no’n. Ako na aayos ng gulo ngayong gabi dahil kailangan ko pang mag-review. Itigil niyo na muna ‘yang kahibangan niyo.”

Matapos n’yang sabihin ‘yon ay saka siya umalis at hindi na lumingon pa. Nang makalabas ito ay pinaandar na nito ang motor n’ya at bumalik sa bahay n’ya at nandoon pa rin ang mga lalaking nag-aabang sa kaniya. Bumaba ang isa na may tattoo sa kaniyang kamay at nakalagay ang pakpak ng isang anghel at sa kabila naman ay pakpak ng demonyo.

Tumingin si Avyanna sa mga kasamahan nito at saka niya binilang ang mga ito sa isip niya. Nang makalapit sa kaniya ang isang lalaki ay tinignan niya ito mula ulo hanggang paa.

“Are you… Ava Kira Fuego Daiga?” tanong nito at saka nangunot ang noo ni Avyanna.

“Sa tingin n’yo ba ay ako ‘yon?” pilosopong sagot nito.

Bakas sa mukha ng lalaki ang inis. “I’m just asking you and just fucking answer me,” gigil na sabi nito.

“I’m Avyanna Hernandez Lopez,” sagot nito at seryoso ang kan’yang mukha.

“Babe!” Napalingon silang lahat nang may bigla na lang sumingit sa kanilang eksena.

Nang makita ni Avy si Cross ay napakunot ang noo nito nang pareho ang kanilang suot. “What the hell he’s doing?” bulong na tanong nito sa kan’yang sarili.

Nangunot ang noo ng lalaking nasa harapan niya at nang tuluyan ng makalapit si Cross ay inakbayan nito aa balikat ang babae na s’ya namang hindi inaakala nito. Tumingin si Cross sa lalaking kaharap niya at saka siya tumingin kay Avy.

“Sino sila?” tanong nito.

Naramdaman ni Avyanna ang panginginig ng kamay ni Cross at alam nitong natatakot ito sa kaniya dahil sa ginawa nitong pag-akbay na walang paalam. Tumingin si Avyanna sa kaharap niyang lalaki at saka niya binago ang kan’yang aura.

“They’re asking me if I am Ava Kira Fuego Daiga. Eh, ‘ni hindi ko nga sila kilala, e,” sabi nito na nakanguso pa.

Hindi aakalain ni Cross na sasak’yan nito ang trip n’ya. “And who’s Ava Kira? Is that famous?”

Tumingin ang lalaki sa kaniya at nakipagtitigan rin ito sa kaniya. Hindi naglaon ay hinarang ni Avyanna ang kan’yang kamay sa pagitan ng dalawa dahilan para mapatingin silang dalawa sa kaniya. Ngumiti si Avyanna na siya namang ikinamangha ni Cross at napalubok ito dahil sa ganda ng ngiti ni Avyanna. Ang ngiti na ‘yon ay ngayon niya lang nakita at hindi niya inaasahan na makikita n’ya ito sa mismong harapan niya.

“That’s enough, Sir. Ako lang may karapatan na tumitig sa kaniya ng gano’n,” sabi nito habang nakangiti. Tumingin siya kay Cross at saka ito tinignan sa mga mata nito. “Hindi ba, Babe?” pabulong na tanong nito kay Cross.

Hindi naman makasagot agad si Cross kaya naman napalunok na lang ito ng kan’yang sariling laway. Dumistansya ang lalaki at saka sinenyasan ang mga alagad niya. Pero matalim ang titig nito kay Avyanna na para bang alam n’yang ito ang totoong hinahanap niya. Nang makaalis na ang mga ito ay hindi pa rin inaalis ni Crosa ang braso niya sa pagkakaakbay kay Avyanna.

“Tapos na ang palabas kaya alisin mo na ‘yang kamay mo sa balikat ko at baka mabali ‘yan ng wala sa oras,” bantang sabi ni Avyanna na agad namang inalis ni Cross at saka s’ya napakamot ng ulo.

“S-Sorry. Sino ba ang mga ‘yon?”

“Wala ka na do’n.”

Tumalikod si Avyanna sa kaniya at saka ito pumasok sa loob ng gate at sumunod si Cross pero napahawak siya sa ilong n’ya nang tumam ito sa gate at saka tumingin kay Avyanna na hindi naman siya nilingon. Napakamot na lang siya ng ulo n’ya at saka napabuntong hininga. Pero sandali s’yang napatigil nang maalala ang nangyari kanina lalo na nang titigan siya nito at nang akbayan niya ito. Napatingin siya sa kamay n’ya at lihim na napangiti.

“Tangina, Pre ano ‘yan?” agad na napawi ang ngiti niya nang marinig ang boses ni Clyde. “Tangina mo iba na ‘yan ahh. Ngumingiti ka na mag-isa, hindi ka dating gan’yan,” sabi nito at saka napaiwas ng tingin si Cross.

“Ano’ng ngumingiti ka d’yan,” sabi nito at saka napakagat labi.

“H’wag kang mag-deny. Nakita ko naman na lahat. Napapalunok kapa nga habang nakatitig sa ‘yo si Avy tapos nakangiti. Yiiieee. Hindi bagay sa ‘yo ang kiligin, Pre! Kadiri!” pang-aasar nito sa kaibigan niya at saka naman napatingin ng masama sa kaniya si Cross. Agad na umayos si Clyde at saka siya umakbay kay Cross. “Pero sino ang mga ‘yon?” bulong na tanong nito.

“Don’t ask me, I don’t know either,” sagot naman nito at saka ito sumakay sa motor niya.

HER SECRET IDENTITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now