Kabanata 29

11 8 0
                                    

Kabanata 29

Past


Malapit na akong maiyak ng lumabas ako sa silid pero naagapan ko din naman 'yon. Hindi ko naman early out pero nag aayos na ako ng mga gamit ko. Lalo akong nasaktan doon sa loob.


Kung magpapatuloy ito, mas lalo ko lang masasaktan ang puso ko. All the words she uttered are like a knife that keeps stabbing my heart. Para akong namamatay kapag nagsasalita siya. I couldn't even move or think properly when I was in front of her.

 

 

Una, nagkita kami sa lugar kung saan ramdam namin ang payapa. I remembered when I made a statement in the same place. Na kung magkakahiwalay man kami, doon kami dapat magkikita. Pangalawa, I said to myself to move on and forgive all of the things in the past. Gusto ko nang lumayo sa mga tao 'yon, pero bakit mas lalo kaming pinapalapit?

 

Kung wala lang akong babayaran sa hospital, gusto ko nang mag resign dito. Masasaktan lang din naman ako king magpapatuloy 'to. Let's say I moved on, and I'm at my healing pace. Yet, we can't deny the fact that I was too attached to that person and couldn't move on easily. Siguro masasabi ko sa sarili kung wala na 'yon, when it goes down deeper, meron pa!

 


Sometimes, a healing pace is a little more difficult than moving on. Right now, you feel okay and can live your life. While the night comes and all your thoughts come through you, you'll be back on stage for breakdown. Asking for five W's. Only a few people could survive healing by not having seconds to think at night, or maybe no one did?



"Ma, anong sabi ng doctor?"


One fine Saturday morning, bumisita ako dito sa hospital. Dinalhan ko siya ng pagkain at binilhan na rin siya ng mga damit niya at ibang kakailanganin niya.


Nandito kami sa kwarto ng kapatid. 


"Stable na siya pero mahihirapan tay kung magdadala na dahil kailangan niyang abunuhan ng dugo tuwing may dalaw," paliwanag niya.


Tumango naman ako.


"'Wag na po kayong magaalala, ako na po bahala doon. Eh, si Kuya Cike po? Kamusta siya?"


Tumango siya. "Okay lang naman. Comatose na siya ngayon, hinihintay nalang siya na magising."


"Kayo po? Kamusta po kayo, Ma? Baka naman hindi muna inaalagaan ang sarili mo, Ma, ha,"


Ngumiti siya sa 'kin.


"Okay lang ako, anak. Ikaw ang inaalala ko, baka papagurin muna ang sarili mo para lang makabayad dito sa hospital."

Yumuko siya at parang naninimbang ang eskpresyon niya.


"Nahihiya na nga ako sa 'yo, anak. Hindi kita dapat sinasali dito, dapat nagiipon ka sa kinabukasan mo-"


Umiling ako at hindi ko siya pinatapos.


"Kaya ko naman po, meron din po ako. Kaya gagawin ko ang lahat hanggang meron pa ako. Hindi naman po ako madamot, di bale na po wala basta mapagamot lang po natin sila. Pamilya tayo 'di ba, Ma? Kaya dapat tayo magtutulungan."


Tumango siya sa 'kin. She gave me a pretentious look. Yumuko ulit siya.


"Hindi kami tinulungan ng mga Auntie mo. Lumalaki na kasi ang utang ko sa kanila. Nagalit sila sa 'kin dahil hindi ko daw nabayaran ang utang ko. Kaya wala na talaga akong ibang malalapitan kundi ikaw nalang Felicity."


How Love Grows (Completed)Where stories live. Discover now