Kabanata 39

12 0 0
                                    

Kabanata 39


Abundance of Love and Assurance 

Maaga ako noong bumalik ako sa bahay ni Eve. Tinuon ko talaga sa ganito oras dahil alam kong tulog pa si Eve. Nasa akin pa ang susi ng bahay, kaya buong lakas akong pumasok sa main door. Sa pagbubukas, na gulat ako dahil nadatnan ko kaagad si Eve sa sala na parang paghahanda sa trabaho. She looked at me with widened stares, but in a blink, she postured herself in a cold stare. Nag iwas kaagad siya ng tingin sa akin.

“Nakabalik ka na pala,” malamig niyang untas.

Hindi ko siya sinagot. Hindi rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

“Maghanda ka na. Aalis tayo.”

Doon ako na alarma. Nag resign na ako bago pa ako umuwi sa Siquijor ah! 

“Nag resign na ako sa kompanya mo,” sagot ko.


She looked at me with a smug look. Bigla akong kinabahan dahil tinuon niya sa akin ang kanyang atensyon. She looks at me with so much pain in her eyes. I feel her stare longing for something. I can feel her wanting to hug me. But none of them get out of her, and all I receive is her coldness. 

 

“Did I approve it? ”

 

“Even so, pinasa ko na ang resignation letter ko sa iyo. I don't have business with you anymore,” I said with full confidence.

 

She smirked at me. Bigla akong kinabahan doon. Her whole attention is on me now. 

 

“Really? Then why are you here, Felicity? If you don't have business with me, ”


Hindi ko masabi sa kaniya ang dahilan kung bakit ako nandito. Umiwas ako ng tingin, habang mariin niya akong tinitigan. I can't say a word. Nagbabadya na naman ang luha ko, pero pinipigilan ko iyon na tumulo. Hindi magandang pairalin ko ang emotion ko ngayon. Mali ako sa pag iisip na Eve want to have revenge. Mali ako doon.

 

Nandito ako para kumbinsihin siyang tapusin ang kasong sinimulan niya. Nandito ako para bumalik sa kaniya. Nandito ako para umuwi sa tahanan ko. Nandito ako para umuwi sa kaniya. Bumalik ako kasi gusto ko nang umuwi. 

 

Kung sakali man, nakabukas pa kaya ang pintuan mo, Eve? Kung sakali ngayon ko sasabihin sa iyo, sa dami ng nangyari, may Malawian pa ba ako, Eve? Meron pa bang ikaw na best friend ko? Meron pa bang Eve na aking tahanan? Meron pa ba?

 

Lahat iyon hindi ko mailabas sa aking bibig habang tinitignan ang kaniyang mga mata. 


“Nandito ako para sana sabihin sa iyo na tapusin mo ang kaso,” lumiit ang boses ko. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Nakahalukipkip siya habang hinihintay ang idudugtong ko. “The case was delayed many times because of you. End this war, Eve. Let them rot in jail.”

 

Nanliit ang kaniyang mga mata. Umiling siya at umiwas ng tingin sa akin. Susubukan ko sanang lumapit sa kaniya, pero pinigilan niya ako. 

 

“Magbihis ka muna at samahan mo ako. I don't want this house to be filled with painful arguments.


Pinutol ko siya.

“Hindi ako nandito para makipag away sa’yo, Eve,” I gently said to her.

How Love Grows (Completed)Where stories live. Discover now