Ang Isla Buras

1.3K 15 1
                                    

Kabanata 1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata 1

Matapos mapadpad ang apat sa Isla na tinatawag na Buras, at sa tulong ng mag kapatid na Amir at Dantoy nakakita ng kaligtasan ang apat. Isang linggo matapos sila kupkupin ng Isla Buras, naka recover na sa pagkahilo si Nicolo, Nakakalagad narin ng maayos si Angel at bumabalik na ang lakas ni Tony.

"Maraming salamat sa tulong pare,"  Sabi ni Benson nang lumapit ito sa nagsisibak ng kahoy na si Amir. Bitbit nito sa kamay ang tasa ng mainit na salabat. "mag salabat ka muna, ako naman diyan." At pag alok pa nito.

"Salamat dito, mabuti naman at maayos na ang mga kasama mo. Sabi nga pala ni tatang ituloy lang ang pagpapainum ng halamang gamit sa kasamahan mong na nalason para tuloy-tuloy na ang kanyang pag galing." tugon ni Amir.

"kayo lang ba talaga dito sa Isla na ito?" tanong ni Benson.

"Maliit lang itong Isla, kaya nga lang ikutin ito ng isang araw. Kaya ang mga nakatira dito ang mga iilang bangkero lang." ayon pa kay Amir.

"pansin ko ngang wala masyadong babae dito sa inyo. Si Dantoy nga lang yata ang nakita kong binatilyo dito sa Isla." puna pa ni Benson sa lugar na iyon.

"Kaya nga minsan na itong binansagan ng mga tagalabas na Isla tamodales kasi puro mga lalake lang ang nakakasalamuha nila dito. Nasa ibayong Isla kasi ang pamilya ng mga kalalakihan dito, doon mas maraming pasilidad at kuryente." Sabi pa ni Amir.

Kuwentohan lang ang dalawa nang makarinig sila ng sunod sunod na putok malapit sa kanila. Agad na hinatak ni Amir si Benson papasok ng bahay. Tsaka nag sara agad ito ng mga bintana at pinto. Nagulat ang lahat sa kinikilos ni Amir, lalo na nang makita nilang may hinugot na baril si Amir mula sa sekretong taguan sa sahig. Sumilip si Amir sa siwang ng pintuan na tila ba may kinakatakutan ito. Lumapit sa kanya si Angel na nag aalala.

"Anong nangyayari, saan galing mga putok na iyon?" tanong ni Angel.

"Tahimik, nagsisimula na naman sila." Sabi pa ni Amir.

Tuloy-tuloy parin ang mga putukan, kasunod nito ang mga sigawan ng ilang mga kalalakihan na tila takot. Nang biglang bumukas ang pintuan sa likuran ng bahay, at pumasok si Dantoy na hingal na hingal at pawisan. Agad itong nilapitan ni Amir at inusisa ang kapatid.

"Kuya limang ka Isla na naman ang kinuha nila." ayon pa kay Dantoy.

"Hindi na talaga ligtas ang Isla na ito para sa atin. Nasaan na sila?" ang nabahalang  wika ni Amir.

"Paalis na, pero sa tingin ko babalik pa ang mga iyon. May mga hinahanap silang tao. Tingin ko sila ang hinahanap nila kuya." nang nginuso ni Dantoy ang apat.

Nagtataka ang lahat sa palitan ng usapan ng mag kapatid. Kaya nagtanong na si Tony.

"Sino ba ang mga tinutukoy niyo? bakit nangunguha sila ng mga taga Isla.?" tanong ni Tony

LANGOY Where stories live. Discover now