Chapter 21

111K 1.9K 2K
                                    

Chapter 21

"What? Niyaya ka ni Kaius na magpakasal?"

Tumango ako at pinagmasdan ang singsing na suot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na yayayain na ako ni Kaius na magpakasal kami. Parang kailan lang noong naging kami, ngayon naman ay engaged na kami ni Kaius.

Hindi ko pa nasasabi kina Mama ang totoo. Kapag nasa bahay ay inaalis ko ang singsing. Agad ko ring sinusuot kapag magkasama kami ni Kaius. Hindi rin ako makapag-post dahil ayaw kong may iba pang makaalam na engaged na kami ng boyfriend ko.

Sinabihan ko rin si Kaius na huwag munang mag-post. Mukhang wala pa rin naman siyang ibang nasasabihan. Habang ako, kay Marah ko lang ibinalita ang tungkol doon.

"Pumayag ka?" muling tanong ni Marah.

"Oo naman," tumango-tango ako. "Nasa trenta na 'ko, sa tingin mo ba, magiging choosy pa 'ko? Gusto ko rin namang ikasal, 'no!"

Niyakap ako ni Marah. Kung hindi lang siya buntis, baka nagtatalon na kaming dalawa sa sayang nararamdaman. Hindi pa rin alam ni Harren na buntis siya. Gusto niyang sorpresahin ang lalaki. Susuportahan ko na lang ang kaibigan ko sa gusto niya.

"Grabe, parang kailan lang noong single pa tayo," sabi ni Marah. "Pinoproblema lang natin noon ay palagi kang naaalis sa trabaho. Ako pa ang iniiyakan mo na hanapan kita ng pag-a-apply-an."

"So, problema lang ako sa 'yo noon?" Sumimangot ako.

"Gaga!" Hinampas ako ni Marah. "Kahit na nakakainis ka minsan, hindi ka naging problema sa 'kin. Para na tayong magkapatid."

Sa loob ng maraming taon na nandito ako sa Maynila. Hindi ako pinabayaan ni Marah. Kahit na ang failure ko, naniniwala pa rin siya na balang araw ay kakayanin ko ang lahat. Siya ang nagpapalakas ng loob ko. Masaya ako dahil natutupad na talaga ang mga pangarap namin.

"Nandito na si Harren," biglang sabi ni Marah. "Aalis na 'ko."

Niyakap ko siya. "Ingat kayo, tawagan mo 'ko kapag magpapa-checkup ka na sa Doctor."

"Sure," Marah replied. "Call ka rin sa 'kin kapag need mo ng masasandalan."

"No need," sabi ko saka humalakhak. "May napapatungan na 'ko."

Humalakhak si Marah. "Gaga ka! Ang wild mo na!"

Nagtawanan muna kami bago ko siya ihatid sa labas. Sumaglit lang talaga si Marah dito sa bahay. Gusto niyang makita si Traver na siguradong isa sa paglilinhan niya. Naaawa ako sa anak ko. Sobrang pula na ng magkabilang-pisngi niya nang dahil sa panggigigil ni Marah.

Nang pumasok ako sa bahay ay nakasalubong ko si Mama. May bitbit siyang paper bag. Napangiti ako nang ibigay niya iyon sa akin. Ipinagluto niya pa talaga si Kaius ng pagkain.

"Thank you, Ma," usal ko at niyakap siya. "Siguradong magugustuhan 'to ni Kaius."

"Dapat lang," she chuckled. "Pinaghirapan kong lutuin 'yan."

Natanaw ko si Traver na pababa ng hagdan. Nilapitan ko ang anak ko. Namumula pa rin ang cheeks niya. Muntikan na siyang umiyak kanina dahil ayaw siyang tigilan ni Marah.

"Hayaan mo na ang Ninang Marah mo, pinaglilinhan ka lang niya kaya gigil na gigil sa 'yo."

Tumango-tango si Traver. "Hindi na naman po masakit..."

Hinalikan ko ang cheeks niya. Alam kong masakit talaga ang pagpisil sa kanya kanina ni Marah. Hindi ko mapigilan si Marah dahil baka umiyak pa siya. Nagiging emosyal na ang kaibigan ko nang dahil sa pagbubuntis.

Naghanda na ako para sa pagpunta ko sa condo ni Kaius. Tapos na ang work niya. Wala siyang ideya na pupunta ako. Kahit na busy kami sa trabaho namin, hindi namin nakalilimutan na bigyan ng time ang isa't isa.

Hold Me Tight (Embrace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon