CH 1

7 1 0
                                    


Habang naglalakad sila papasok, ang sumalubong ka agad sa kanila ang malakas na tugtugin ng isang bar na pinuntahan nila. Balita niya ay ito daw ay pagmamay-ari ng isang hot batchelor...nakalimutan niya kung ano ang pangalan non, si Ruby lang kasi ang nakakaalam ng pangalan non but anyway pumasok na nga kami sa vip room.

"Hi girls, welcome to Night High Bar."

Napatingin naman ako sa lalaking bumati samin, isa lang masasabi ko guwapo ito. Mukhang may lahi matangkad kasi, kulay yellow ang hair niya at kulay green ang mga mata at malaki ang pangangatawan nito. Wow pasok siya sa standard ko.

"Hi Matt." Bati ni Ruby bago lumapit don sa lalaki. Nagulat naman kami ng yakapin at halikan siya sa pisngi nung lalaki. Kinurot ko ng pasimple si Ruby kaya naman agad itong kumalas sa yakap ng lalaki.

"Tara na nga ang harot mo masyado." Natatawang sabi ko. Umupo naman kami sa medyo madilim na parte ng bar. Tatlo lang kami na nandito. Me, Ruby and Kia.

"Infairness naman girl, guwapo yung Matt ha." Sabi ko habang kinikilig. Saming tatlo ako yung pinaka-cute at sexy, lagi nga akong sinasabihan nina Kia na ako raw yung pinaka malandi sa grupo namin syempre hindi ako nagpatalo at dinamay ko din si Ruby sa pagiging malandi mode.

"Tumigil ka nga Lily girl, hindi ko siya type." Nakairap na sabi nito. "Baka ikaw yung may type don duh."

Natawa naman ako sa reaction niya na nag-iinarte. "Yeah, he's my type but still hindi ko siya lalandiin." sabi ko.

"Tumahimik nga kayong dalawa!" Napalingon naman kami kay Kia na galit na habang nakatingin samin. She's Kia Salazar, she's a cold tomboy type pero girly siya mag-ayos. Nakasuot naman ito ng black dress na hanggang tuhod na bumagay sa kanyang sexy katawan.

"Umorder na nga kayo ng drinks natin." Utos nito.

"Ikaw na Ruby total kilala mo naman yung may-ari." Utos ko dito. Umirap naman ito bago tumayo at naglakad na papunta sa counter.

Tumingin naman ako sa paligid baka makakita ako ng guwapo. Gagamitin ko ngayon ang pagiging sexy at cute ko para makahanap ako ng boyfriend. Buwiset na buhay 'to, napaka landi ko na nga wala naman akong boyfriend.

"Hoy Lily, naghahanap ka ng guwapo?" Tanong ni Ruby na kararating lang galing sa counter. Siya is Ruby Ramirez, I like her as a sister. Siya ang pinaka close ko sa lahat dahil same kami ng gusto sa pagkain like sweet then same din kami ng attitude. Parehas kami cute and sexy.

"Always naman ganyan yan." Sagot ni Kia.

"Yeah, May nakita ka ba?" Tanong ko. "Bakit kasi dine tayo sa dilim pumwesto?" Naiiritang sabi ko.

"Ayoko sa may liwanag baka makita tayo ng pinagtataguan ko." mahinang sabi ni Ruby. Nagkatinginan kami ni Kia dahil sa sinabi ni Ruby.

"What the hell! Ruby may naka one night stand ka ba?" Oa na tanong ni Kia habang nakapamewang na nakatayo. Para siyang nanay na pinapagalitan ang anak.

Tumayo naman si Ruby at tsaka natawa habang nakatingin sa reaction ni Kia. Naguguluhan naman ako na tumingin sa kanya. Huminto naman ito sa pagtawa bago sagutin ang tanong ni Kia.

"Ang oa mo naman, nagtatago ako para hindi ako makita ng tagabantay ko." Sabi nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot nito. Jusko kahit kami ay laging tambay sa mga bar hindi kami nakikipag one night stand and kahit malandi is me, Never ako sasabak sa ganon. Habang nagkukuwentuhan yung dalawa ay biglang dating naman nung drinks namin..Inabot na kami ng madaling araw bago kami matapos sa pag-inom ng alak. Paano ba naman kasi mas madami pang chika kaysa sa inom.

"Maglaro tayo girls." Paghihikayat ni Kia.

"Anong laro? Imbento mo na naman ba?" Mataray kong sabi habang nagsasalin ng beer sa baso ko. Saming tatlo ako lang yung mahilig sa beer, sila kasing dalaw ay wine lang ang iniinom.

"Black games piece." ani ni Kia.

"Wow interesting." mangha sabi ko bago ko tinungga yung iniinom ko.

"Yes this games is very interesting, I have a cards here girls." Kinuha ni Kia yung cards sa kanyang shoulder bag.

"But I have a rule, kailangan natin bumunot ng isang card then pag napili mo is yung nakasulat na piece it's means ikaw yung talo then gagawin mo yung mga dare ng mga nakabunot ng nakasulat na black." Paliwanag nito habang inaayos yung mga cards na nilagay nya sa gitna ng table namin.

"Gets n'yo?" Tanong nito bago humarap saming dalawang.

Tumango naman ako bago bumunot, nauna na kasi si Ruby sa pagbunot kaya sumunod ako tapos ang huli ay si Kia.

"Sabay-sabay tayo magpakita ng napili nating card." Sabi ni Ruby.

"Okay, magbibilang ako na one to three." sabi ko. "One, two, three." Pinakita ko naman yung sakin. Confident naman ako na ako ang nakakuha ng black, pagnagkataon maraming ako iuutos sa dalawang 'to. Natatawa naman ako ng maisip ko yung mga ipapagawa ko sa kanila.

"Omygod, Lily girl ikaw ang talo."

Kunot noo ko naman tinignan yung hawak kong card dahil sa sinabi ni Kia. Gano'n na lamang ang aking paglumo ng makita ko ang piece na nakasulat sa card ko.

"Waaah napaka daya naman, ulitin natin." Angal ko sa kanilang dalawa. Tinawanan lang ako nung dalawa habang ako ay nagrereklamo sa harap nila. Hindi ako papayag.

"Bawal ang kj." Paalala ni Kia. Tinaas ko naman yung middle finger ko habang umiinom ako ng beer. Natatawa naman si Kia sa ginawa ko.

"Sorry girl, Ang dare ko sayo ay kailangan humanap ka ng lalaking pakakasalan mo. That's my dare bitch." Sabi ni Kia bago uminom ng wine n'ya.

"That's so easy naman my dear." Sabi ni Ruby. Bumaling naman ito sakin. " Ang akin naman ay kailangan mag live in kayo ng magiging future husband mo. Go girl maghanap kana bibigyan ka namin ng one week para gawin yon." Sabi nito.

Gulat ko naman silang tiningnan. "Ako magpapakasal?" Turo ko sa sarili ko. "Alalahanin nyo nasa Pilipinas tayo walang divorce dito." Sabi ko sa dalawa. Hindi na naman ito bago yung ganitong dare pero iba nga lang ang pinapagawa sa kanya ng mga kaibigan niya noon puro landian lang gano'n but never yung magpakasal. Na katulad ngayon ayon ang dare sa kanya ng mga kaibigan n'ya.

"Okay ayaw mong gawin? Bigyan mo kami ng 30 million." Hirit pa ni Ruby. Binato ko naman ito ng ice cube na nasa baso ko. Saan naman ako kakamot ng 30 million na ibibigay ko sa kanilang dalawa. Eh yung 30 million na yon ay ayon lang yung laman ng bank ko ngayon mamumulubi ako. Hindi pa man din ako binibigyan nina Mom ngayon. Buwiset.

"Aray ko!" Daing nito.

"Sumunod ka na lang Lily dare is dare, kailangan mo sundin." Sabi ni Kia.

Tumayo ako bago ko sila iwan. "Aalis na ako bitches, see you tomorrow. Asahan n'yo sa susunod kasama ko na ang husband ko!" Iritang sabi ko bago nag walkout. Inaantok na kasi ako..mag dadrive pa ako pa uwi.

Nasa parking lot na ako ng bigla ko naalala yung susi ng kotse ko kinalkal ko naman yung bag ko. Ngunit hindi ko mahanap. Baka naiwan ko sa table namin.

Babalik na sana ako sa loob ng biglang mabunggo ako sa matigas na bagay, siguro sa pader ako na untog hinawakan ko naman ang noo ko bago ko tignan yung nasa unahan ko. Nagulat naman ako na hindi pala pader yung nabangga ko kundi tao.

"Ang guwapo." Mahinang sabi ko habang pinagmamasdan siya. Napaka guwapo. Humawak naman ako sa dress ko baka malaglag panty ko, makalaglag panty sa guwapo ba naman kasi ng kaharap ko. Paano ko s'ya maididescribe eh sobrang perfect niya...He's is tall. He has got long black hair. Ang style ng buhok nya ay Naka top knot. His lips na nakakaakit na mapupula. He has a perfect body shape, a muscular body with a long fingers and long legs. Kahit nakasuot ng black suit ang binata ay angat na angat pa rin ang pagiging hot at kapogian.

Napabalik ako sa realidad ng bigla itong tumikhim.

"Are you done checking my face and body?" Masungit nitong tanong.

Mabilis ko naman siyang sinagot. "Tinignan ko lang naman napaka damot mo naman...kung ayaw mo pa tignan yung mukha at katawan mo." Sabi ko habang nakasimangot.

*To be continued 

Lily Vegan (Black games piece Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora