CHAPTER 7

118 10 0
                                    

Pagkatapos naming kumain, pumasok na ako sa kwartong pagtutulugan ko.
Nagtungo muna ako sa banyo para mag shower.

Matapos kong ayusin ang aking sarili,lumabas na ako. Naabutan kong nakaupo na si Ax sa kama.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko at naglakad papalapit sakanya.

"Ano bang ginagawa sa kwarto?"patanong nyang sagot.

"Matulog?"

"Matulog lang ba talaga?"sambit nito habang mapanlarong nakangiti sakin

"Oo,ano pa ba?"

"Hmm okay,edi dito ako matutulog" sambit nya at humiga sa kama

"Ayokong makatabi ka"pag rereklamo ko

"Asa,sino bang nagsabing magtatabi tayo?ayoko din namang makatabi ka eh"anito

"Ako ang nauna dito at dito ako pinatuloy ni Lola. Eh ikaw? Bahala na nga,tutal wala namang ibang kwarto dito ka nalang basta ako sa kama tapos ikaw sa lapag"sambit ko sakanya.

"Bakit ikaw? "pasagot nyang tanong

"Bakit hindi ako?"laban ko

Wala na syang nagawa kundi tumayo para manguha ng unan at kumot, pagkatapos nyang kunin ang gagamitin nya ay humiga sya sa lapag.

Pagkaalis nya ay agad akong humiga sa kama at pumikit para makapag pahinga

"Oh ang gwapo gwapo ko~ ako lang ang pinaka gwapong lalaki sa mundo~" napamulat ako ng mga mata ko nang marinig ko syang kumakanta,hindi lang sya basta basta kumakanta dahil sinisigaw nya din ito  at aba parang ine-enjoy pa.

"Oh assistant kong panget~ may assistant akong panget ang pangalan nya ay Jazzi~Oh yeaaa" imbes na magalit ako dahil sa lyrics na kinanta nya ay agad akong humalakhak ng tawa dahil narinig ko syang pumiyok,hawak hawak ko ang tiyan ko habang tumatawa

"Tawang tawa,babae?"masungit nyang tanong. Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang pag tawa,halos mapaluha nadin ako dahil sa sobrang pagtawa

"Bahala ka nga dyan"naiinis nyang sambit at humiga nalang patalikod sa'kin. Ilang minuto pa ang nakalipas ay sa wakas tumigil na din ako sa pag tawa. Humiga ulit ako dahil inaantok na ako. Pagkaaraan ng ilang minuto unti unti na nga akong nakatulog

Pagkagising ko sa umaga agad akong nakaramdam ng pananakit ng likod ko. Gulat akong napatingin dahil nakahiga ako ngayon sa hinihigaan ni Boss kagabi, tumingin ako sa kama at nakita ko si Ax na nakahiga doon habang natutulog.

Naiinis akong tumayo habang iniinda ang sakit ng likod ko bago naglakad papalapit sakanya. Umupo ako sa kama nya para isipin kung paano ako makakaganti sakanya. Gusto kita Ax pero sorry ha. Nilagay ko ang dalawa kong paa sa gilid ng tiyan nya dahil nakadapa sya ngayon habang natutulog. Agad ko syang sinipa ng malakas dahilan para mahulog sya.

"Shit!"narinig kong mura nya,hawak hawak nya na ngayon ang likod nya habang dumadaing.

Nakonsensya naman ako kaya dali dali akong lumapit sakanya para alalayan sya.

"Sorry Ax,okay kalang ba?"nag aalala kong tanong

"Okay lang ako pero nung tinawag mo na akong Ax sumama na pakiramdam ko. Tigilan mo ang katatawag sakin ng panget na pangalan na yan,kasing panget mo"may bahid na pang aasar ang pag kakasabi nya kaya naman uminit ang ulo ko. Tinulak ko sya papalayo sakin kaya naman napahawak ulit sya sa likod nya.

"Gago"pagmumura ko sakanya,kagabi pa sya eh

"Isa pang mura mo,hahalikan na kita"pagbabanta nya.

"Ulol" kung ikaw din lang na idol ko ang magiging first kiss ko,why not?

HE'S THE BRIGHTEST STAR IN THE SKYWhere stories live. Discover now