Taste like frosting!

40 4 1
                                    

"So, Why should we hire you?" basang-basa ng pawis ang kamay ko habang nakapatong ito sa hita ko, kinakabahan ako at nanginginig habang nakatingin ng diretso sa harap ng HR na nag-i-interview sa akin para sa papasukan ko sanang trabaho.

"Honestly, this is my dream job that's why I applied for this position, I know that my work experience is not related for this job position but I will assure you that I will do my best and I am willing to learn and develop my skills to be one of your passionate tour guide in the future if you will hire me." hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko o baka may mali akong nasabi dahil sa kaba ko, basta sinagot ko lang ang tanong ng HR sa harap ko ng walang pag-aalinlangan kahit halos lumuwa na ang puso ko sa sobrang kaba.

Wala ako sa sarili nang lumabas ako sa building na pinag-interview-han sa akin.

Dumiretso ako sa isang mini-mart at bumili ng tubig kasi parang di na ako makahinga.

Pumila ako sa counter para magbayad sa tubig na bibilhin ko, habang marahan kong sinusuntok ang dibdib ko. Medyo sumikip kasi dahil sa kaba kanina.

This is actually my first interview. Lahat kasi ng work experience ko ay direct hiring kaya naman wala ng interview na nangyari.

Ako na ang susunod na magbabayad nang mahagilap ng mga mata ko ang tsokalate na naka-display sa counter.

Napangiti ako nang mabasa ko ang brand nito. Hershey.

November 11 pala ngayon.

Bigla kong naalala.

Kumuha akong dalawang bar ng tsokalate, ang paborito kong flavor; Cookies and Creme at Milk Chocolate Bar with almonds.

Napasinghap din ako nang makakita ako ng hindi pamilyar na flavor ng Hershey, siguro ay bagong flavor ito; ang Birthday Cake. Mabilis akong kumuha ng isang bar.

Tamang-tama talaga para sa araw na 'to.

Di mawala sa labi ko ang ngiti kahit makita kong tatlong libo nalang ang natitira kong pera, hinugot ko ang isang libo at binigay sa cashier.

Bahala na magtiis sa delata hanggat walang trabaho, minsan lang to.

Napapangiti nalang ako hanggang makauwi akong boarding house.

Mabilis lang ako nagbihis at naglinis ng unti sa boarding house ko.

Nakapameywang ako dahil sa pagod nang marinig kong tumunong ang cellphone ko, mabilis kong kinuha ito sa bag at nagtaka ako nang makita ko ang text galing sa hindi nakarehistrong numero.

Halos magtitili akong nang mabasa ko ang mensahe.

Sa You're Hired! palang na text tuwang-tuwa na ako.

Napangiti akong kinuha ang binili kong tsokolate kanina sa mini-mart.

Napa-upo ako sa plastic chair ko habang binubuksan ko ang Hershey bar na Birthday Cake flavor at kinain 'yon.

"Happy Birthday, Hershey. Magiging tour guide ka na." bati ko sa sarili ko habang pinupunasan ang luha galing sa mga mata ko.

Nakamit ko na ang dream job ko sa mismong kaarawan ko.

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Aug 05, 2023 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

Birthday CakeDär berättelser lever. Upptäck nu