Chapter Two: Ang Seminarista Mula sa Squatters

10 2 0
                                    

2 days ago...

Godfrey Gale's POV:

Biglang nanahimik ang buong chapel noong nakita namin si Father Joms na umakyat ng pulpito. Kaniya munang sinubukan ang mikropono kung gumagana nga ito bago ibigay ang kaniyang announcement.

"Good morning" seryosong bati niya.

"Good morning, Father" sabay-sabay naming sagot.

"I will read to you the letter from the office of the administration. This was decided last night after our meeting and written and signed just this morning."

Napatigil-hininga ang kalahati ng kapilya. Ang natitirang kalahati ay napabulong sa kanilang katabi. Lahat ay atat na atat na malaman kung ano ang laman ng liham.

"In recognition of the God-given rights and duties of seminarians as Filipino citizens to participate in the electoral process, to contribute their fair share in forging our nation's future, to utilize to the fullest extent their power as free individuals in a democratic-republican country, and to practice their ability to discern and act upon decisions of crucial consequences and heavy significance- skills that are indubitably necessary for the seminary's vision of them as future servant-leaders, men of integrity, good Christian gentlemen, and holy priests- we, their formators as fathers in their journey towards the priesthood hereby allow them to go home this afternoon-"

Naputol ang pag-anunsyo ni Father Joms ng malakas na hiyawan ng mga seminarista. Tila bang basketball court sa liga ng mga barangay ang kapilya sa lakas ng mga sigawan. Hinintay ni Father na magsitahimikan ang lahat bago magsalita muli.

"-May 8, 2022, to exercise said right and obligation of suffrage. They are required to go back to the seminary no later than 5 P.M. the following day.

"Awww" sabay-sabay ulit na reaksiyon ng mga seminarista. May ilang nagsibulongan sa kanilang mga katabi.

"Bilang tatay ninyo sa pormasyon" dagdag ni Father "responsibilidad ko na paalalahanan kayo na ang pagboto ay isang sagradong gawain. Alam ko na alam ninyo kung sino ang presidente ko. Hindi ako didikta sa inyo kung sino ang dapat niyong botohin pero sana, huwag lang siya, ok? Alam niyo naman kung sino ang tinutukoy ko. Huwag lang siya.

Bumaba ng pulpito si Father Joms, hudyat upang unti-unti na ring magsilabasan ang mga seminarista sa kapilya. Parang nasa merkado lang kaming kaniya-kaniyang nagbubulungan at nakiki-tolits ("tol, ito ang latest"; ang pang-machong bersiyon ng "marites").

Godfrey nga pala. Godfrey Gale Gulmatico.

But you can call me yours.

Char.

You can call me anytime.

Ok last na yun.

Triple G nalang. Para parehas sa paborito kong boksingero.

Hindi? Masyadong mahaba?

Sige, G nalang ang itawag niyo sakin.

At oo, seminarista ako. 1st year philosophy.

Pero huwag kayong magpaloko ha? Demonyo pa rin ang ugali ko.

Magpapari ba ako?

Hindi.

Bakit dito ako?

Kasi sabi ni nanay pilosopo daw akong bata, eh ito lang ang paaralang may kursong philosophy eh.

Pero dati gusto kong maging boksingero.

Ngayon hindi ko na alam kung ano ang gusto ko.

Namatay na rin ang pangarap at mga panaginip ko sa buhay noong namatay si tatay.

Left with the Right ChoiceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang