Chapter 2-Two Years Interlude

10 0 0
                                    

Matapos ang pakikipag-usap ni Malachite sa kanya'ng tiyahin ay naisipan niyang magtungo sa gym upang magpapawis. Mabilis niyang sinuntok ang isang malaking punching bag na nasa harap niya habang inaalala niya ang video kung saan napanood niya kung paano namatay ang kanya'ng kakambal. Sumisigaw siya sa galit dahil tila isang sirang plaka na tumatakbo sa kanya'ng nakaraan. Akmang susuntukin ni Malachite ang punching bag nang may biglang pumigil sa kanya. 

"Kumalma ka, Kite. Kakapalit ko lamang ng sinira mong punching bag last week. Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil pa rin kay Lein?" ang tanong ni Kuya Tristan.

After what happened to Phenolphthalein, nagretired si Tristan bilang magnanakaw at nagsimulang siyang magtayo ng iba't ibang negosyo. Isa na nga sa mga tinayo niyang negosyo ang gym na ito. 

"Kuya Tristan, ikaw pala. I thought nasa Europe ka?"ang tanong ni Malachite. 

Napasimangot si  Tristan at mabilis niyang pinisil ang pisngi ni Malachite. Napaaray si Malachite sa ginawa ng kanya'ng Kuya Tristan. Mabilis siyang kumalas at lumayo sa kanya'ng Kuya Tristan. 

"Naalala ko. Today was Lein's second death anniversary. I have to cancel my trip. Besides, I need to give this to you," ang sabi ni Tristan at iniabot niya ang flashdrive. 

Alam niya na ang laman ng flashdrive na iyon. Iyon ang video kung saan pinapakita kung paano pinatay ni Cross at kung paano nahulog si Lein sa gusali. 

"Kuya I know what is the content of that flashdrive. That's the reason why I always have a nightmare about Phen," ang sagot ni Malachite.

Malachite heard his brother clicked its tongue. Napatigil si Malachite at dahan-dahan siyang humarap. "For one last time, Kite. Mag-retiro ka na bilang assassin. Baka ang pagkamatay ni Lein ang trigger point upang gawin iyon. Bata ka pa, you should enjoy your youth,"ang sambit ni Tristan. 

Naikuyom ni Malachite ang kanya'ng  mga kamay. "Kuya, masama bang hangarin ang hustisya para kay Lein sa paraang alam ko?"ang tanong ni Malachite. 

Napaupo si Tristan sa gym bench at pinalaruan ang barbell plate. "Alam mo iyan din ang mindset ko noon. Pero nang mawala si Lein, na-realize ko, hindi niya gugustuhing mabuhay tayo sa galit," ang sambit ni Tristan. 

Tinapik ni Tristan ang likuran ni Malachite. Sa kanilang pag-uusap ay nakita nila ang isang pares ng leather shoes. Nang mapatingala sila ay nakita nila ang kanilang ama na si Dr. Zydrick na nakatayo sa kanilang harapan. 

"Mabuti naman at naisipan mo nang mag-retiro, Tristan. Kailangan pa bang mawala ni Lein para magbago kayo?"ang sambit ni Dr. Zydrick. 

Nagtiim ang mga ngipin ni Malachite. "Eh, kayo po? Hanggang kailan kayo maniniwala sa walang kwentang sistema ng hustisya ng bansa natin? Hanggang kailan kayo maghihintay na lutasin ng mga nasa batas ang kaso ni Lein?" ang sigaw ni Malachite. 

Mabilis na inawat ni Tristan si Malachite. Umiling si Tristan at kinausap niya nang mahinahon si Dr. Zydrick. "Ano'ng ginagawa mo rito, Dad?" ang tanong ni Tristan.

"Come home. Lein won't forgive me in the afterlife kapag hindi ko pa kayo pinatawad,"ang sambit ni Dr. Zydrick.

Napahalukipkip si Malachite sa sinabi ng kanilang ama. "Gusto niyo po ba, pataasin pa natin lalo ang inyong blood pressure?"ang tanong ni Malachite. 

Binatukan ni Tristan si Malachite. "Kite, p'wede ba ayusin mo naman ang pagsagot mo?" ang pakiusap ni Tristan.

Nag-roll eyes si Malachite sa sinabi ng kanya'ng Kuya Tristan. Huminga siya nang malalim bago siya nagsalita. "Unang-una, masama pa rin ang loob ko dahil sa indicator ng titration kami ipinangalan! Pangalawa, sinong matinong tatay ang magpapangalan ng mahirap at mahabang pangalan sa kanilang anak? Torture yun! Torture! Pangatlo, saka ka magpapaka-Tatay sa amin samantalang matagal mo na kaming inabandona!"ang sigaw ni Malachite.

Sa pangalawang pagkakataon ay binatukan ni Tristan si Malachite. "Pasensya na, Dad sa inasta ni Kite. You know how close Kite and Lein. Lein always look after us kahit na pinalayas mo na kami," ang paliwanag ni Tristan. 

Bakas sa mukha ni Dr. Zydrick ang pagkagulat. After all these years, hindi niya alam na hindi pa rin pinuputol ni Lein ang connections kay Tristan at Malachite. 

"I...I'm sorry. Forgive me," ang sambit ni Dr. Zydrick.

Niyakap ni Dr. Zydrick si Tristan. Tiningnan ni Dr. Zydrick si Malachite. "First of all, Mommy mo ang nagpangalan sa inyong dalawa. She threatened me with annulment papers so I have agree. After your mommy died after both of you born, I can't change it because it reminds me of her,"ang sambit ni Dr. Zydrick. 

Napahagulhol si Malachite. He felt dumb and numb after hearing those words. "Let's go home, Kite,"ang sambit ni Dr. Zydrick.

Tumungo si Malachite bilang pagsang-ayon.

***

Samantala sa Galen High. Naghahanda ang mga members ng SOC, lalo na't ito ang araw na magsisimula ang recruitment ng bawat club. Dahil sa pagbabago ng educational system ng bansa, kinailangan nilang maghiwa-hiwalay ng strand na kukunin. Bagamat iisa ang kanilang layunin, iniisip rin nila ang kanilang kinabukasan. 

Sa STEM napunta si Bien, Aubrey, Zheyran, at Gabriel. Sa ABM strand napunta si Charm at  Janella. Sa HUMSS strand napunta si Artemis at sa GAS napunta si Chris. Ngunit patuloy pa rin sila sa paglutas ng mga kaso sa labas ng paaralan. Simula nang mawala si Ace sa Galen High ay nawala na ang mga kasong bumabalot dito.

"Guys, pupunta ba kayo mamaya sa puntod ni Lein? It's her second death anniversary,"ang tanong ni Aubrey.

Natigil sa kanilang ginagawa ang bawat miyembro ng SOC. Nawala man si Lein, pakiramdam nila ay kasama nila ito. "Oo. Hindi natin p'wedeng balewalain ang sakripisyo ni Lein. You know na siya ang nakakuha ng clue upang matuklasan ang katauhan ni Trickster,"ang sagot ni Artemis. 

"For many years, hindi natin ginagalaw ang couch kung saan siya natutulog kapag breaktime. I guess it's time para linisin iyon,"ang sambit ni Zhey.

Napatikhim si Bien sa sinabi ni Zhey. "Mawalang galang na po mga ale. Vinavacuum cleaner ko po yan every month. Ayokong multuhin tayo ni Lein upang sabihin na ang alikabok na ng couch."

Napatingin ang bawat miyembro kay Bien. "After what happened to Lein, walang nagtatangkang mag-apply sa SOC. Kesyo mahal daw nila ang buhay nila or ayaw nilang matulad kay Lein. May nagpakalap pa nga na may sumpa ang club natin eh,"ang sambit ni Chris. 

Inilapag ni Chris ang isang box sa mesa. "Ano naman yan?"ang tanong ni Janella.

Nawala ang ngiti sa labi ni Chris. "Mga laboratory apparatus ni Lein ang nasa box. Lilinisin ko lang bago ko i-forward kay Dr. Zydrick. Alam niyo naman kung paano iningatan ni Lein ang kanya'ng mga gamit,"ang sambit niya at isa-isa niyang nilinisan ang mga babasaging apparatus ni Lein.

Lein usually used this things for lab testing of poisons and chemicals. Minsan ay gumagawa pa siya ng mga weapon na may chemicals. Time really took everything for Lein. Who would thought that this exceptional member died unexpectedly? Tumunog ang phone ni Artemis at nabasa niya ang isang message. 

"Guys, I received a message from Ma'am Rizza. She had fraternal twins,"ang sambit ni Artemis. 

Nagsigawan ang mga miyembro dahil sa tuwa. They never expect that their homeroom teacher received a blessing after one year of marriage. Two years ago, their life was full of grieviance. Now that two years has passed, what does the future hold for them?













Private Eyes' Case Files:The Requiem Of TimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora