CHAPTER 1

2 0 0
                                    


BABALA: May mga maseselang bahagi ang kwentong ito. Breath in,Breath out. Hingang malalim at sabay-sabay nating pasukin ang tagong nayon.

Chapter 1;welcome to the village/nightmare

ASHLEY'S POINT OF VIEW

"Ahhh!" Agad akong napalingon matapos kong marinig ang malakas na sigaw ni Kristy. Grabe din itong babaeng 'to ang ingay.

"Ang ingay mo naman–" hindi ko na natapos ang aking sasabihin,naestatwa ako sa aking kinatatayuan.

Sssssssssss

Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Oh gosh ang laki nung ahas.

"Guys walang gagalaw..." Mariing utos sa amin ni Chase.

Buti nalang talaga kasama namin si Chase,I feel safe kahit papaano.

Nanatili kaming tahimik habang hinihintay na umalis yung malaking ahas. Ilang minuto din kaming nakatayo,at pag alis nung ahas ay napasalampak nalang ako ng upo. Grabe nakakangawit yun.

"Ayos ka lang?" Namula ako sa tanong ni Chase saka dahan-dahang tumango.

Inilahad niya sa akin ang kamay niya. Tinanggap ko ito at akmang tatayo na ng biglang,damn! Bakit ba ako nawalan ng balanse.

Sabay kaming natumba,siya ngayon ay nasa ibabaw ko. Ilang minuto kaming nakatingin sa isa't isa hanggang sa may marinig kaming tumikhim.

"Aherm...ang alam ko–"

"Guys!" Hindi na natapos ni Clarenz ang sasabihin niya ng tinawag ni Gab ang aming atensyon. Tumayo na kami ni Chase at nilapitan sila Gab.

"Look..." Ani Kath sabay turo sa harap. The time I lend my eyes infront my mouth form an 'o',gosh did I just see a... Village? Village inside the forest?

Nilapitan namin ito at may nakitang karatula na nagsasabing "Don't enter If you are weak!" Weak???

"Ayy di ako weak..." Ani Clarenz saka nakapameywang pa na humarap sa amin "Ikaw weak ka?" Tanong niya at isa-isa kaming itinuro.

Sabay sabay kaming umiling.

"Oh,tara na?" Tanong ni Gab,tumango kami saka sabay sabay na pumasok.

Ngunit pag-apak ng paa ko sa nayon sumama ang pakiramdam ko. Iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito,parang may mali. Pagpasok namin sa kabahayan ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Yung titig na para ba kaming nililitis,ang tatalim ng mga titig nila. Karamihan sa kanila ay nasa loob na ng kani-kanilang bahay at sumisilip sa pinto,habang ang iba ay nasa labas padin.

Someone approach us and introduce himself as Nicolas,Nico for short. Nakipagkamay siya sa amin.

*Ting/klang
*Ting/klang
*Ting/klang

Napalingon kami sa malaking kampana,nagulat ako ng nanlaki ang mga mata ni Nico sabay lingon sa amin.

"Tayo na bilisan niyo!" Mariin niyang sabi sa amin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Kristy.

"Mamaya ko na ipapaliwanag" saad ni Nico at giniya kami sa isang bahay.

"Upo kayo" saad niya saka itinuro sa amin ang mga kahoy na upuan.

Nagulat ako ng ikandado niya ang mga pinto at bintana saka humarap sa amin.

"Ano nga ba ang ginagawa niyo dito?" Tanong niya sa amin.

"Mahilig kasi kami sa mga adventures,so napadpad kami sa gubat na 'to tapos nakita namin 'tong village niyo" maikling tugon ko.

Hidden VillageWhere stories live. Discover now