CHAPTER 12

32 28 1
                                    

Downpour

---

"Hindi p'wedeng malaman ng iba that we're living together. Mananagot ka sa'kin," pagbabanta ko sa kaniya habang kumakain ng umagahan.

Agad naman lumamlam ang itsura nito. "Why?"

"Anong why? Hindi pa rin magandang tignan!"

He slowly nodded. "I see." Sumimsim s'ya sa kape n'ya at inayos ang sleeves ng uniporme. "But can we sabay sa pagpasok at least?"

Tumango nalang ako.

Gano'n nga ang nangyari sa mga nagdaang araw. Sabay kaming pumapasok, sabay kaming umuuwi. Maging sa bahay gano'n din. Animo'y tuko. Pagkagising ko, s'ya agad makikita ng araw ko. Pati pagpikit ng mga mata, s'ya pa rin.

I was eating my sandwich when my group mate went to my place.

"Akisha, eto 'yung part ko o, pa-check if may need i-correct, aayusin ko nalang."

Tumango ako bago s'ya umalis. While eating, I started examining everything. Agad kumunot ang noo ko sa unang phrase, hindi angkop sa topic. Pagdating sa pangalawa, bumalik naman. Pero sa ending conclusion, bumalik ulit 'yung point sa unang phrase. Napahilot ako sa sentido.

Mamaya ko nalang s'ya kakausapin pagkatapos ng 30 minutes break.

Sobrang terror din ng previous prof. Ilang oras ba naman nag-discuss. Nag-surprise quiz din at recitation. Kahit papaano, may nasasagot kaming tatlo.

Tatlo= Ako, Rad, Jed.

Gano'n ang eksena. Kada sagot ni Rad, susundan ko na susundan din ni Jed.

Nang natapos ang nakakadugong araw. Inaya ko na si Rad na pumunta sa convenience store. Gano'n ang routine namin sa mga sumunod na linggo. Ni segundo, hindi namin sinasayang.

It's been a month since Rad and I lived together in one roof. Ayos naman. Naraos 'yung mga bagay. Parang gumaan sa side ko.

'Yung sinumite nu'ng kaklase ko ay inayos ko nalang din. Ayoko 'yung papaayos tapos mali ulit tapos aayusin ulit. Parang nagsasayang sa oras.

We're now eating our simple breakfast before going to school. Wala pa namang nakakapansin sa set-up namin. Sa mga nag-daang unang araw, aaminin kong nakakapanibago. He's a morning person. Minsan madadatnan ko s'ya sa sala, hawak ang pusa. Minsan naman naglilinis s'ya, naghuhugas, nag-a-ayos ng gamit, nagbabasa at kung anu-ano pa.

I'm used living alone. But then he came as my company. I'm still sketchy, nangangapa pa ako. Natatakot pa rin ako. But I honestly feel light with him. Being with him feels bearable naman.

It feels so light.

"Nakapagreview ka?" Tanong n'ya bigla. Pagpuputol sa katahimikan.

Kumunot ang noo ko.

"Saan?"

"May quiz 'yata sa third period?"

Yet,

There's a part of me that still despise the fact that he's blocking my way, being my opponent.

Nang malaman ang score ay nanlumo nga ako.

Parehas lang naman kami ng sitwasyon.

Bakit hindi ko s'ya maangatan.

A Downpour Summer Where stories live. Discover now