Chapter 18

13 15 0
                                    

Caring

Clevion's POV

"Clevion, sino pala yung kasama ni Isha noong isang araw?", Tanong sakin ni Trent, ang tinutukoy ata neto si Grunner

"Si Grunner ba?, kababata 'yun ni Isha, bakit?", Tanong ko sabay tira ng number 5

Nasa billiards room kami ngayon dito na kasi kami tumayambay, minsan sa basement.

"Akalako kasi manliligaw nya", Napakamot sya sa batok

Ano naman kung manliligaw ni Isha si Grunner?wala namang masama doon

"'Sus, ang sabihin mo nag seselos ka!", Patawang sabi ni Xiron

"Hindi, tinatanong lang"

Tennesse POV

Hasyt, kawawang Trent mas mauna atang manligaw si Grunner kay Isha keysa sa kanya, pero bet ko din naman si Grunner para kay Isha nasasaktan lang kasi ako kay Trent, tanga kasi.

Nasa SB building kami ngayon tumatambay, wala kasi yung MAPEH namin, para ngang kinder pero din-ig pa nya yung kinder na always half day at tsaka lang sya papasok pag gusto nya.

"Oh, bat ang tatamlay nyo?", Tanong ko sa tatlo

Pftt HAHAHAHA, Kanina pa kasi sila tahimik at tulala

"Ang sakit ng puson ko", Sabi nya sabay himas sa puson nya

"Tara na said clinic", Akmang ta tayo ako papunta sa kina uupoan ni Isha biglang sumolpot si Grunner na may hawak na hot compress bag tsana napa upo sa tabi ni Isha.

"Napaka caring naman ng fafa namin", Tanong ni Aira Kay Grunner

Ngumiti lang si Grunner, si Isha hinang hina ayan sinasabi ko kahit may dalaw kumakain padin sya ng ipinag babawal na kainin pag may dalaw tudo kain nga sya ng mangga ayan tuloy.

Sweet naman ng fafa namin, swerte nga ni Isha at napaka caring netong si Grunner sa kanya kahit anong taboy ni Isha sa kanya.

Grunner's POV

May nag sabi sakin na masakit daw puson ni Isha, kaya dali dali na'kong lumabas ng school para bumili buti nga pinayagan ako ng guard. Tumogo kaagad ako sa pag bilihan ng school supplies, damit at etc. na nasa side lang ng school namin.

"May hot compress po ba kayo?", Tanong ko sa isang babae

"Meron, 'yung maliit o yung malaki?", Tanong sakin

Mag ganoon?akalako kasi pare pareho yung sukat gaya ng ginagamit ni Ate

"Maliit nalang po"

Noong naka bili na ko dali dali akong tumungo sa room namin para kargahan ng mainit na tubig tong hot compress.

Dali dali kung  pinuntahan si Isha SB andoon daw sya sabi ng isang ka classe namin madalas daw kasi silang tumambay doon.

Kaagad akong tumabi kay Isha at binigay yung hot compress sa kanya.

"Sweet naman ng fafa namin", Sabi ng Isang katabi ni Isha

Nangiti lang ako, pero nag aalala ako kay Isha hinang hina yung mukha nya. Ganto din si Ate palagi ngang galit tsaka lahat ng nakikita nyang bagay pinag iinitan nya ng ulo, babae ba naman

"Uyy, tara na sa English. Kung dimo kaya Isha pwede ka naming i excuse", Sabi ni Tennesse na may pag aalala

"Grunner, i uwi mo nalang sya", Sambit ni Aira

"Kaya ko pa, tsaka gagaling din naman kaagad 'to", Mahinang sabi neto

"You sure?", Sabi ni Keanna

Sa lagay nyang 'yan kaya nya pa? Kilala ko na si Isha mula noong bata pa kami palagi nyang sinasabi na 'kaya ko pa' pero deep inside na sasaktan at nahihirapan na sya.

Haters To LoversWhere stories live. Discover now