Chapter 2

2 0 0
                                    

Tied.

"Pero Attorney, pwede ko po bang hayaan nalang kay Rocco lahat ng mga naiwan ni Daddy?"

Matapos basahin saakin ni Attorney lahat ng kundisyon na gusto ni Daddy ay mas lalong sumasabog ang ulo ko sa lahat ng mga bagay na posible kong makuha kung mag pakasal ako kay Rocco.

Huminga ng malalim si Attorney, kita ko ang hindi niya pagsang ayon sa sinabi ko.

"Alam mo, iha. MAy dahilan ang Daddy mo kung bakit ganoon ang disisyon niya, and I don't think it is best for you not to marry Rocco."

"Matagal ko ng kilala ang Daddy mo. One thing I don't know about him is you. Kaya ganoon nalang ang pagkagulat namin nang mawala siya, na may anak pala siya."

I bit my lower lip. Even the closest person to him, walang alam tungkol saakin. Iniisip ko tuloy kung ganoon din ba si Rocco. Kung pati sakanya ay tinago ni Daddy. Kaya ganoon nalang ang mukha niya palagi sa tuwing nakikita ako.

"Dala ni Rocco ang apelyido ni Daddy, paano ako pakakasal sakanya?"

Hindi ko kapatid si Rocco. The attorney told me that Rocco was adopted by my father's former secretary. Daddy made everyone believe that Rocco is a true Rosales, taht he he is my father's son, to protect me.

Maraming kaaway si Daddy sa politika at negosyo. Maraming tao ang naghahangad na mapabagsak siya. MAraming kalaban ang naghahanap ng kahinaan niya. Attorney believed that my father's one weakness is...me.

" 'Yun talaga ang buong plano, na hindi ka makilala bilang Rosales. Kaya ka niya tinago at tiniis na hindi makita."

"Kaya pinapakiusap ko lang din sana sa'yo na hindi ito makakarating kahit kanino, para hindi masayang ang sakripisyo ng Daddy mo, Dianna."

"Sobrang mahal ka ng Daddy mo, he sacrificed not to see you, to protect you."

May namuo ng luha sa mata ko.

Buong buhay ko ang buo kong akala ay iniwan niya kami ni Mama. Ang buo kong akala ayaw niya talaga saakin kaya natitiis niya akong hindi hanapin o makita.

Kahit minsan hindi ako napagod na mag tanong kay Mama tungkol sakanya. Gustong gusto ko siyang makita. KAhit ipagtabuyan at hindi niya ako kilalanin na anak niya. Ang bigat sa pakiramdam na nawala siya ng hindi ko manlang siya nakikilala.

Pinunasan ko ang luhang tumakas.

Umiwas ako ng tingin kay Attorney dahil sa hindi ko mapigilan na luha sa mata ko.

"Pasensya na po..." sambit ko dahil sa pagiging emosyonal.

Attorney pulled a scarf and offered it.

Tinanggap ko 'yun.

"It's a sad story, Dianna, but I know your father will be happy that you are now here."

Tumango ako habang pinupunasan ang luha.

"And of course, he will be more happy if you will marry Rocco," he added.

Hindi ako nakakibo. Naglalaro sa isip ko ang mga bagay-bagay. Nasa sitwasyon ako na kumplikado.

"Wala ka naman sigurong nobyo?" he raised his brow.

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba siya. KApag sinagot ko 'yun, posible na maikasal nga ako kay Rocco.

Ayaw kong maikasal sa taong hindi ko pa lubos na kilala. Paano kung may masama siyang ugali? Paano kung saktan niya lang ako? Ayaw kong makulong sa relasyon na walang kalayaan. At mas lalong ayaw kong mapunta sa isang relasyon na pera lang ang dahilan kung bakit ako nanatili. Hindi ganoong klaseng relasyon ang gusto ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Against the FireWhere stories live. Discover now