Chapter 3

7 3 0
                                    

Midnight



"May nakuha ka na bang impormasiyon sa kaso, Yorren?"


I continued to hear what they were saying while eating in silence. Yorren exhaled loudly as he turned to face Stacy. Nagkamot siya ng ulo at ngumiti. His dimples showed.


Ah, wala pa nga eh.." tumawa siya nang mahina.



"Talaga? Pwede kang tulungan ni Sage, interesado siya sa kas—" agad kong pinutol ang sasabihin niya. This girl was careless. I couldn't trust her that much. Although I could play being friends with her.


"Stacy," natahimik si Stacy at napatingin sa akin. When I turned to face Yorren, his smile was gone. He grinned while tilting his head.


"Really?" he asked. He licked his lower lip, feeling amused.



I stared at him intently before nodding. "Yeah,"


Lumiwanag ang kaniyang mukha. "Wow, p'wede mo ba akong tulungan? I'm really interested in the case!" masaya niyang wika.



Natawa si Stacy. Yumuko ako at uminom ng tubig. I wanted as little as possible for anyone to know that I was interested. I couldn't be under the assassin's surveillance. I was planning to be an ordinary student.


"Para kang bata, Yorren!" she laughed. Yorren pouted but eventually laughed with her.


Maya-maya ay nagseryoso si Yorren at humarap sa akin.

 


"Tutulungan mo naman ako, 'di ba?" nagpuppy eyes siya. I almost rolled my eyes. I guess I have no choice.



Fine, Valencia. I'll help.



"Yeah," but I'll still keep an eye on you.



Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Kinuha niya ang tray niya at inilagay iyon sa tabi ng akin. Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Pinagmamasdan lang namin siya ni Stacy.



Maya-maya ay dinukot niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone.



"Save your number, so I can call you." ang kaniyang mga mata ay nangungusap. Tila napakaraming ipinahihiwatig kaya hindi ko mabasa ang kaniyang iniisip at mga galaw. Para bang may mali sa kaniya na hindi ko maintindihan.


Agad kong pinag-isipan ang panghihingi niya ng numero ko. Posible bang ma-track niya ang aking telepono kung ibibigay ko ang aking numero?



Umiling ako. Ipapaalam ko muna kay Big Boss bago ako gumawa ng hakbang. Hindi ko siya maaaring pagkatiwalaan. Wala akong dapat pagkatiwalaan sa lugar na ito. Tanging sarili ko lang ang makakapitan ko at siyempre ang agency ngunit wala naman sila dito.


"We'll meet at the library every vacant and every after class. You don't need my number. I don't like texting anyways." naiwang nakabuka ang bibig niya habang pinagmamasdan ako. Tinikom niya ito at tumawa nang bahagya.



Totoo naman iyon. Hindi ako mahilig sa pakikipag-text. Isa pa, maaari naman kaming magkita na lamang. Mas mabuti kung magkikita dahil mapapagmasdan ko ang kaniyang mga galaw at reaksiyon.



"Damn, woman." he muttered a curse.



"It's Sage Cartien, Yorren Kenzai." I saw him bit his lower lip.

Taste of VengeanceWhere stories live. Discover now