CLOSURE

38 0 0
                                    

Jillian's P.O.V.

Anim na taon kong hinintay ang araw na 'to. Mula noong una kong nakaramdaman ng kakaibang kabog sa dibdib ko. Gustong-gusto kong sabihin sa'yo ang lahat pero natakot ako. Hindi ko akalaing sa lugar na 'to ko pa magagawang aminin sa'yo ang totoo kung saan napatunayan ko sa sarili ko na mahal na nga kita.

Sa tabi ng swimming pool sa loob ng isang maliit na resort habang ang mga ilaw na disenyo sa paligid at ang mga bituin sa langit ang siyang tanging nagsisilbing liwanag, kaharap kita- ang kaisa-isang lalaking gumulo sa isip, sa puso, at buong pagkatao ko.

Sa pagtatapos ba ng gabing ito, mapapalaya ko na ang sarili ko sa anim na taong pagmamahal ko sa'yo o ito ba ang lalong magkukulong sa'kin sa pantasyang mamahalin mo na rin ako?

Inabot ko ang isang baso ng alak. Hindi ako sanay uminom pero mukhang ito lang ang tanging paraan para magkaroon ako ng lakas ng loob para mailabas ko lahat ng kailangan kong sabihin. Tiningnan mo kong puno ng pagtataka. Tila pakiramdam mo ibang tao ang kaharap mo ngayon at hindi si Jillian na barkada mong palaging nakangiti at palaging nakasabi ng "okay lang".

"Tama na yan." sabi mo sabay agaw ng baso ko. Salubong ang kilay mo. Sadyang pinaparamdam mong hindi ka natutuwa sa ginagawa ko.

Umiwas ka ng tingin at napabuntong hininga ka bago ka muling humarap sa'kin. "May problema ka ba? Pag-usapan natin. Hindi mo kailangang gawin 'to."

Tiningnan kita ng may mamasa-masang mata. "Kailangan. Kailangan para masabi ko lahat ng gusto kong sabihin."

"Potek. Hindi ko alam kung talagang magaling akong magtago o sadyang manhid ka lang." nasimulan ko na. Itutuloy ko na 'to hanggang sa maubos ang mga luha at salita ko para sa'yo.

"Akala ko habang buhay kong maililihim sa'yo 'to. Nakaya ko naman ng anim na taon kahit masakit, kahit mahirap. Pero ewan ko bakit ngayon pa. Bakit ngayon parang iba yung sakit? Ang hirap huminga." Umiwas ako ng tingin sapagkat tulayan na nga akong tinraydor ng mga luha ko. Kusa na silang bumitaw. Sana all na lang nakabitaw na.

Tumingin ka sa'kin ng may naguguluhang mga mata. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan. May nagawa ba ko sa'yo?"

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago kita muling hinarap. "Sa totoo lang, wala ka namang kasalanan. Bwiset kasi 'tong pusong 'to. Pipili na lang ng mamahalin, ikaw pa yung nagustuhan. Pwede naman yung nagcha-chat sa'kin galing UST o kaya yung tropa ni kuya sa La Salle. Ang dami namang iba, 'di ba? Bakit nga ba kasi ikaw pa?" humihikbing sabi ko.

Hindi ko alam kung dala ng alak o tila para bang mamasa-masa na rin ang mga mata mo. Nakabuka ang mga bibig mo pero hirap kang magsalita. "Pero...paano? Paano Jillian? Kailan pa?" sunod-sunod na tanong mo sa'kin.

Tumingin ako ng diretso sa mga mata mo. "Mula noong una tayong magkita." at doon tuluyang bumagsak ang mga balikat at mga luha mo.

"Akala ko nga sa pelikula lang nangyayari 'yon pero totoo pala. Ang angas ng dating mo noon pero ewan ko, may kung ano na lang akong naramdaman noong nagpakilala ka sa'kin. Akala ko mawawala rin. Akala ko pansamantala lang. Pero ang lupet kasi yung akala kong pansamantala lang...pangmatagalan pala yung sakit." wala na akong pakielam kung nakikita niya kong umiiyak ngayon. Basta kailangan kong masabi lahat ng nasa loob ko.

"Sa totoo lang, wala naman akong planong pakinggan yung nararamdaman kong 'to. Natutupad ko na yung pangarap ko. Masaya ka na rin sa kanya. Bakit guguluhin ko pa, 'di ba?"

"Kaso tuwing makikita kita. Tuwing makikita ko kayo. Tuwing may magtatanong sa'kin kung masaya ba ko at kung may minamahal na ba ko. Automatic yung tusok ng karayom sa dibdib ko. Kahit anong sabi ng utak ko na kaibigan kita kaya dapat maging masaya ko dahil masaya ka na..."

"Ayaw sumunod ng puso ko. Kahit na paulit-ulit kong paalalahanan ang sarili ko na wala akong dapat maramdaman, na dapat matagal ko na 'tong napakawalan, pilit pa rin akong kinukulong ng sakit, ng sana, at ng paano kung."

Hindi ko na kaya ang bigat. Umupo ako sa may gilid ng swimming pool at binabad ang mga paa ko sa tubig. Pinagmamasdan ko ang galaw ng tubig, nananalangin na sana kasabay ng paggalaw nito ang pag-daloy palayo ng lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Nakatulala siya ngayon. Maaaring pino-proseso niya lahat ng sinabi ko. Nang matauhan, umupo siya sa tabi ko at tumingin din ng diretso sa pool. Mga ilang segundo kaming tahimik lang at ang tanging naririnig naming ay ang galaw ng tubig at ng hangin sa paligid.

"I felt the same." seryoso niyang sambit na sanhi para mapalingon ako sa kanya. Napapunas siya ng luha sabay huminga nang malalim bago tumingin sa'kin.

"From the moment you entered the room, I already felt it. But...I was not brave enough to face it." paliwanag niya.

Bawat pahayag niya ay katumbas ng tila hindi maubos-ubos na luha sa mga mata ko. "You must be lying, huh?" sarkastiko kong sabi.

"Hindi mo ba yun naramdaman...kahit minsan?" diretsong tanong niya habang diretso ring nakatingin sa mga mata ko. Napaiwas ako ng tingin.

"Natakot ako, Jillian. Pero sinubukan ko. Promise sinubukan ko talaga. Baka hindi lang sa paraan na gusto mo..." He's crying. He's literally crying in front of me. Paano kami umabot dito?
"...pero sinubukan ko. Baka nga magaling kang magtago. Baka nga manhid ako. Pero ang natitiyak ko...noong mga panahon na yun, bulag ako. Bulag ako sa nararamdaman ko. Kaya siguro hindi nagtagpo yung nararamdaman natin sa isa't isa noong mga panahon na yun kasi pareho nating sinusubukang labanan at itago."

"Hindi madali sa'kin ang bumalik sa lugar na 'to." napapailing niyang wika. "Kasi...this is my place of regrets."

Tiningnan ko siya ng may nagtatanong na mata. Did he regret going to this place with me?

"Noong niyaya kita 4 years ago para mamasyal dito kasama sila Calvin, I actually lied. Hindi totoong gala yun ng barkada. Hindi totoong biglaan lang na hindi sila pwede. Niyaya kita kasi gusto ko ng sabihin sa'yo yung nararamdaman ko."

"I was planning to tell you at this exact place. Kahit na hindi sigurado kung anong magiging reaksyon mo at kahit na sabihin mong hindi mo ko mahal, alam ko noong mga panahon na yun na kakayanin ko at na handa na akong sumugal."

"But you didn't." may diin kong sambit.

"Noong tinitingnan kita, kung gaano ka kalmado at kung gaano ka-gaan ang pagtingin mo sa buhay, doon na ako natakot..."

"...kasi naisip ko kaya ko na hindi mo ko mahalin. Kaya kong tanggapin kung magagalit ka at kung iiwas ka pansamantala. Pero ang hindi ko kakayanin...yung tuluyan kang mawawala sa buhay ko dahil lang sinabi ko sa'yo na mahal kita."

If We Were A Movie: A Collection of Short Love StoriesWhere stories live. Discover now