HI, DRIANNA

5 0 0
                                    

Drianna's P.O.V.

Today is our field trip, probably the last one I'll have since I'm about to graduate from senior high school. I will definitely miss my friends and my classmates. We're going to study in different universities and in different places, so the communication won't be as often. Yung iba sa'min magse-stay dito sa Pampanga at yung iba naman luluwas na ng Manila. Sana hindi pa ito ang huling pagkakataong magkakasama-sama kaming lahat.

As we entered the amusement park, iba't-ibang emosyon ang nakita ko sa mga kaklase ko- may mga excited, natutuwa, mayroon ding parang kinakabahan, at may mga walang pakielam.

"Anong first ride natin?" masiglang tanong ni Mia, ang kaibigan kong social butterfly na kilala ata ang lahat ng nag-aaral sa school namin.

"G kayong mag-roller coaster?" pagyaya naman ni Anika, ang happy-go-lucky and witty kong friend.

"Kayo bahala basta walang magsusuka after ha?" paalala ng mother of the group na si Joyce.

At ayun na nga pumila na kami para makasakay sa roller coaster. Buti na lang at weekday ngayon kaya hindi gaanong marami ang tao. Habang nakapila kami, biglang dumating ang grupo nina Lucas, ang varsity players ng aming school.

"Hi, guys! First ride niyo?" nakangiting tanong ni Lucas sa amin.

"Yes! Kayo rin?" sagot ni Mia na tila biglang nagising ang diwa sa pagdating ng mga kalalakihang ito.

"Oo. Ayos! Sakto apat din kami, gusto niyo by partner na lang?" maangas na pagsa-suggest ni Troy. Pinigil kong umirap ang mata ko. GGSS alert!

"Ahmm pwede naman. Kung okay sa inyo girls?" tanong sa'min ni Anika na may nakikiusap na mga mata.

Nagkatinginan na lang kami ni Joyce. Wala naman kaming choice kasi alam naming gusto talagang makatabi nina Mia at Anika yung mga crush nila. Pilit akong ngumiti at sinabing, "Kayong bahala."

Lumipat na ng pwesto sina Mia at Anika. Si Mia tumabi na kay Troy. Si Anika tumabi kay Jessie. Tapos yung si Lucas tumabi sa'kin. Sa dulo ng pila, sina Joyce at Nick.

"Hi, Drianna! San ka nga pala magka-college?" puno ng kuryosidad na tanong sa'kin ni Lucas.

"Hmmm hindi pa ko sigurado." payak na sambit ko.

"But you're gonna study in Manila, right?"

"Most probably" tipid kong sagot. Hindi ba 'to nakakaramdam na ayoko siyang kausap?

"That's great. Ako rin. I'll be studying in Ateneo. I hope we can hangout sometimes." maangas niyang sabi.

I faked a smile. As if makikipaghangout ako sa'yo. Known to be a walking red flag ka kaya, hello? Kung sinong mukhang challenging, yun yung pinopormahan mo. I won't fall for your dirty tactics, duhh!

Pakiramdam ko torture 'tong ginawa sa'kin nina Mia. Noong bago mag-start yung ride, hinawakan ni Lucas ang kamay ko at nagbitaw ng isang gasgas na linya ng mga manloloko't playboy, "Don't be scared. I got you."

Dali-dali kong binawi ang kamay ko. "I can take care of myself." tapos ay inirapan ko siya. Noong nag-start na ang ride, nakita ko si Lucas na pinagpapawisan, hindi mapakali, at hindi mapirmi ang tingin. Don't be scared pala ha?

"Huy! Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa'kin at nagpalit ng expression ang kanyang mukha. "Oo naman. Ikaw? Ayos ka lang? Natatakot ka ba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If We Were A Movie: A Collection of Short Love StoriesWhere stories live. Discover now