Chapter 6

7 2 0
                                    


Justine's PoV

"Are you Kyara Blanco?" tanong ng babaeng  sa palagay ko ay kasing edad namin na biglang lumapit sa mesa namin. Mukha siyang mahinhin. Kasalukuyan kaming nagla-lunch dito sa cafeteria. Medyo center kami naka-pwesto kaya hindi ko alam kung saan galing 'tong babaeng nagtatanong ng pangalan ni Kyara na tahimik lang na kumakain sa tabi ko.

Nilunok muna niya ang nasa bibig bago liningon ang babae, pero inunahan ko ng sumagot at baka prangkahin nanaman ng babaeng 'to. Di pa man din namimili ng salita 'to.

"Yes. Do you need anything?" nakangiting tanong ko. Baka kasi may kailangan lang.

"Nothing. Nice to meet you." maiksing sagot nito habang nakangiting nakatingin sa akin. Inoffer nito and kamay niya to shake hands kay Kyara pero tinitigan niya lang. 'To na nga ba ang sinasabe ko, ang maldita tuloy tignan ni Kyara, baka isipin ng iba na binubully namin 'tong babae. May ilan pa man din ang napapatingin sa gawi namin.

"and I'm Justine. Pleasure to meet you too." ako na ang sumalo sa kamay niya at baka tuluyan pang mapahiya ang babae.

"I'm Shayne, btw." binalik nito ang ngiti niya kanina.

"This is Cia and Michaela." Pakilala ko sa dalawa pa na tahimik lang ding kumakain sa harap namin.

"Hi" kaway nito sa dalawa na siya namang tinanguan nila.

"See you around." nakangiting paalam nito saka bumalik sa table hindi malayo sa table namin na may kumpol din ng mga babaeng estudyante na lahat ay nakatingin sa gawi namin.

"Kaklase mo?" agad na tanong ko kay Kyara na sya namang inilingan niya

"Weird" pailing-iling na litanya ni Michaela saka tinuloy ang pagkain. Napansin ko naman na naghahagikhikan ang mga kasamahan nung Shayne paglapit niya sa kanila pero isinawalang bahala ko na lang.

"Famous kana ha" biro naman ni Cia na may tawa pa.

"Unfair naman, ikaw lang ang kilala samantalang sikat din naman kami ah." biro ko na di niya pinansin. Ang sungit talaga.

Paalis na kami sa cafeteria nang harangin kami ni Shayne, pero this time ay may kasama na siyang tatlo pa na mga babae. Actually, magagandang mga babae. Si Shayne ay nasa gilid lang, tahimik na nakayuko habang ang tatlo niyang mga kasama ay tinitignan kami from head to toe.

Napa-taas naman ng kilay si Michaela at napa-cross arm si Cia.

"Yes?" malumanay na tanong ko.

"I heard you're Kyara Blanco." front girl said with bitchy tone.

"I smell a bitch." mababang bulong ni Michaela na rinig ko mula sa likod. Pansin ko naman na may mga nakatingin na sa aming iba pang mga estudyante.

"and what you did to my Paulo." dagdag nito habang nakatingin kay Kyara na nasa tabi ko lang at tahimik.

"I'm sorry miss. I think this is just a misunderstanding." awkward na sagot ko naman sa kaniya. Unang tingin pa lang ayoko na sa aura niya. Ang bitchy niya tignan, at ayoko yung tono niya, ang landi pakinggan.

"I'm not talking to you tyke." napataas ang kilay ko sa itinawag niya sa akin. Binabawi ko na, hindi siya maganda. Ang gaspang ng bunganga.

Sinenyasan ko sa likod si Michaela na wag ng ituloy and balak niya. Alam kong war-freak to, ayokong magalit si Kyara nang dahil lang sa di nakapagtimpi ang isa sa amin. 

"May problema ba miss?" mahinahon ko ulit na tanong sa kaniya.

"Wala bang bunganga yang kasama niyo para ikaw ang magsalita para sa kaniya?" pang-iinsulto muli nito sabay tawa at tumawa naman ang dalawa pa niyang kasama maliban kay Shayne na mukhang natatakot. Mas lalo tuloy kaming nakakaagaw ng pansin habang tumatagal kaming nakatayo dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Revenge of HeiressWhere stories live. Discover now