CODE

113 15 8
                                    

Chapter 16

Nagising si Ken sa ingay ng doorbell..

Ken: Pangit, gising na, may nagdodoorbell.

Claire: Hala, anong oras na?

Ken: kakagising ko lang din.

Claire: baka si Pablo na yan.

Ken: ako na ang lalabas.

Claire: Sige, magtotoothbrush muna ako.

Paglabas ni Ken, food delivery ang nasa labas.

Delivery boy: Good morning po, si Miss Claire nandyan po ba?

Ken: Good morning.. yes, nandito sya.

Delivery boy: Pareceive na lang po..

Ken: Ano ba yan?

Delivery boy: Pagkain po, padala po ni sir Trevor.. bago ho kayo dito sir?

Ken: Yes, boyfriend nya ako.

Delivery boy: Ohh, ngayon ko lang po nalaman na may boyfriend na pala si miss claire.. mukhang pamilyar po kayo sa akin sir. Singer kayo diba?

Ken: yes,.

Delivery boy: tama, ikaw yung kumanta ng straydog.. pwede pong papicture?

Ken: Sige, ok lang ba sayo na nakapantulog ako?

Delivery boy: ok na ok lang sir.

Habang nagpapaicture si Ken ay lumabas naman si Claire.

Delivery Boy: Miss Claire, ampogi po netong boyfriend mo.

Natawa si Claire sa sinabi ng Delivery boy.

Claire: pogi ba kuya? Jackpot na ba ako?

Delivery boy: Naku Miss Claire, hinde lang po pogi, sikat pa po ito.. masaya po ako at may nagpapasaya na po sa inyo maliban po sa bestfriend nyong si sir Trevor.

Claire: Thank you kuya.. Hoy pangit! Bigyan mo malaking tip yang si Kuya ha. Pogi ka daw eh.

Pumasok si Ken sa bahay at kumuha ng pera.

Inabot na rin ng delivery boy ang pagkain kay Ken at pumasok na ito sa bahay.

Claire: at anong kasinungalingan ang pingasasasabi mo kay kuya?

Ken: nagbiro lang naman ako, sinabi kong boyfriend mo ko. Naniwala naman sya. Pinanindigan ko na lang.

Claire: Jusko. Patay ako kay trevor neto. Baka hinde na ako papadeliveran ng pagkain non

Ken: magluto kana lang.

Claire: nako, pupurgahin ko si moon ng processed food? Hinde ako marunong magluto. Kaya nga pinapadeliveran kami ni Trevor ng pagkain eh.

Ken: eh di, ako na lang magpapadeliver sayo ng pagkain.

Claire: wag na, mag aaral na lang akong magluto. Kesa mamerwisyo pa ng ibang tao no.

Habang hinahanda nila ang mga pagkain na padala ni Trevor ay dumating naman si Pablo.

Ken: ayan ang Amo mo for today.

Claire: sana hinde makatulog😂😂

Ken: Susumbong kita.. sige ako na magbubukas ng gate para sa kanya.

Claire: ok, gigisingin ko na din si Moon.

Habang ginigising ni Claire si Moon ay pinapasok na ni Ken si Pablo.

Pablo: sabi ko na nga ba at dito ka natulog eh. Hinahanap ka ng daddy mo kagabi.

Ken: nakalimutan ko ng magpaalam, wala kasing kasama si Claire at Moon kagabi. Umalis si Trevor, nag iingat lang at baka may pumasok na naman dito.

STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)Where stories live. Discover now