14

0 0 0
                                    

Monday

Unang umaga palang ramdam ko na agad ang kaibahan dahil wala si Jd na halos nampe-pressure at wala si Champagne na maingay.

Daiquiri is still with us, but after class she also needs to go home. Rum wants to use his car that's why he's the one who drove us to school.

Hinatid lang namin si Daiquiri sa room niya bago kami dumeretso sa'min. Along the way, nakasalubong namin si Lorenzo. Nakangiti na siya kaagad at mabilis na lumapit.

"Hi, Vodka!". Bati ni Lorenzo. Gusto ko sanang tumigil dahil parang may gustong sabihin si Lorenzo kaso dere-deretso ang lakad ni Rum na parang hindi man lang niya napansin o narinig si Lorenzo.

"Later." I mouted. Tipid siyang ngumiti at mukhang naintindihan naman ang situation.

Naging mabilis ang oras at agad natapos ang dalawang subject. Inayos ko na agad ang gamit ko. Natigilan lang ako ng lumingon ako kay Rum, may mga nakapaligid sakanyang kakilala ngunit hindi namin classmate.

Tinaasan ko siya ng kilay nang lingunin niya ako. Umirap siya sa ere at bitbit ang gamit na lumapit sa'kin. Sa kabila niyang kamay ay dalawang box na magkaibang klase ng chocolates at ilang letter na nakaibabaw dito.

Nagtulakan naman paalis ang mga kaninang naka-paligid sakanya. "Sayo daw." Tapos inibot sa'kin ang mga hawak niya.

"Anong gagawin ko dito?". Tanong ko.

He shrugged his shoulder. "Whatever you want, wala naman si Kuya." Walang reaction na sabi niya.

"Lagay mo nalang sa bag mo. Kila Yaya ko nalang bibigay." Sabi ko, pinanood ko siyang inis na dinampot ang mga 'yon at deretso na nag lakad palabas. Anong problema niya?

As expected, Luke is also with us. May bitbit nga lang siyang isang tisoy na lalaki, mukhang totoy pero may itsura naman.

"Hi, I'm Elliot." Nabigla ako sa pag papakilala niya. Tinitigan ko lang ang kamay niya sabay parehas na bumaling kay Rum at Luke. Pareho din nagulat.

Hinampas ni Luke ang kamay ni Elliot pababa kaya lalo akong nagulat. Maski si Elliot ay napahawak sa kamay niya dahil halatang nasaktan.

"She's not a friend, asshole. She's Rum sister." Bulong ni Luke pero narinig ko naman.

"Nagpapakilala lang." Pag dadahilan pa nung Elliot.

Umiling si Rum at tumawa. "Kita mo'to? Madami kang kaagaw dito." Dagdag na pang-aasar ni Rum at pinakita ang mga hawak niyang bigay ng kung sino.

Ngumuso 'yong Elliot at nahihiyang tumingin sa'kin. Nakita kong nag salubong ang kilay ni Luke habang nakatitig sa mga hawak ni Rum at pagkatapos ay madilim na tumingin sa'kin.

"Hoy! Samahan mo si Rum nag order." Utos ni Luke. Tumango naman agad si Elliot at mukhang plus points ang nasa isip.

Tumayo na si Rum at Elliot habang 'tong isa sa harap ko ay mukhang pinag sakluban ng langit at lupa. "I'm sorry for his behavior. He's my cousin, Elliot." Pauna niyang wika.

"It's fine, normal naman ang mag pakilala sa ibang tao." Sagot ko dahil hindi ko alam kung bakit kailangan niya mag sorry.

Nakita ko kung paano siya muling ngumisi. "He likes you." He stated like it was a reminder.

Ako naman ang ngumisi ngayon. Kung sana lang ay may epekto sa'kin ang ibang tao kaso wala. Kung siya sana kaso malabo.

Hanggang uwian ay kasama namin ang pinsan ni Luke. Masyado siyang maingay at nataon pa na dalawa kami sa likod ngayon.

"Distansya totoy o sasamain ka sakin?". Pagbabanta ni Rum dahil  masyado ng lumalapit sa'kin si Elliot.

Ngumuso lang si Elliot at nag kamot ng ulo, binaliwala ang sinabi ng katabi ko ngunit umurong palayo sa'kin ng kaunti. "Nood ka naman mamaya? Pinapanood mo din ba sila Kuya 'pag naglalaro?." Tanong niya sa'kin.

Love Amidst the Storm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon