MUSIC INSTRUMENTS SHOP [ C-1]

3 0 0
                                    

(⁠^⁠.⁠_⁠.⁠^⁠)⁠ノ

"May gig kayo mamaya, Panget?" Tanong ko kay Dwayne, habang inililibot ang paningin sa buong shop. Si Dwayne ang vocalist ng grupong, The Tuning.

Mapapansin ang iba't-ibang instrumentong pang musika sa loob nito. Maayos at organized ang pagkakasunod-sunod ng mga iba't-ibang gitara, and so as other instruments.

"Yeah. Fiesta eh, siyempre kinontrata agad ni Mayor ang, The Tuning." Paliwanag niya habang hinahaplos ang dark blue na electric guitar.

"Ow. . . Swabe!" Amusement was flashed on Baste's face when I turned my gaze on him.

"Mga pre, solid 'to!" Muling hiyaw niya pa nang marahan na ihampas ang drum stick sa set ng drum sa harapan niya. Si Baste, ang drummer ng grupo kaya alam na agad namin kung sino ang nag-ingay nang tumunog ang tambol.

"Hands off," babala ni kuya Capti (gitarista rin, pero acoustic guitar ang hinahawakan sa grupo).

"That means, 'wag hawakan kung 'di bibilhin. Touch, move." Kalmadong paliwanag ni Yasu (Pianist ng grupo. Half-Japanese, kaya singkit).

"Are you challenging me, Yasu? Baka pinag-aral pa ulit kita?" Angil ni Baste."Nangangati nanaman kase ang kamay ko, parang nakakahampas?"  Idiniin pa niya sa mukha ni Yasu, ang huling salitang binitawan. 

Alam naman naming may pera itong si Baste, kaso nga lang ay nag-iwan ng babala yung babaeng staff kanina na 'wag masyadong galawin ang mga instrumento. Hindi lang talaga malabanan ni Baste, yung intrusive thoughts niya.

"Baka," (Japanese word—Stupid) bawi ni Yasu, saka ginawaran ng inosenteng ngiti ang sira ulong drummer na si Baste.

"Stand up already, at baka ikaw ang mahampas ko riyan kapag 'dimo pa tinigilan." Natatawang ani ni kuya Capti. Nakasibangot naman itong sinunod ni Baste.

Nagpatuloy na lamang kami ni Dwayne, sa paglilibot sa shop. Hindi pinapansin ang pagdadabog ng drummer, at natatawang pambubuwisit ni kuya Capti.

Sa paglalakad ay naabutan namin ang isa pang gitarista ng grupo na si Axel. Suot nito ang headphones at nakapamulsa habang sinusuri ang isang bass guitar na prenteng naka-display sa sahig.

"You like this bass, Axel?" Dwayne asked.

"No." Agarang sagot niya nang ibaba ang headphones at iwan itong nakalaylay sa batok niya.

"Why so? It looks good, mukhang wala pa namang gasgas?" I asked. The bass guitar completely looks good. Wala namang gasgas, at mukhang ingat na ingat rito ang mga staffs. Mukhang wala namang problema, bakit ayaw niya?

"The strings looks dull, already. " He said. He even traced those four strings.

"Well, you're right. " Sang-ayon ni Dwayne, na nakahawak pa sa baba. Parang nag-iisip.

"Puwede naman palitan 'diba? Saka mas mura kumpara sa ibang gitara." Ani ko. Oh 'de problem solved!

"Buying instruments isn't easy as you think, silly." Ani ni Dwyane, saka ako nginitian.

YOU BELONG WITH MEWhere stories live. Discover now