5. Alextine Velarious Del Pillar

140 14 2
                                    

Pag-amin.

"hoy, itlog anong score mo sa Contemporary Philippine Art from the Region? Kalabit sa 'kin ni Camille.

Kakatapos lang ng exam namin noong nakaraang linggo, friday ngayon at bigayan ng mga na-check ng mga test papers. Walang gana kong inabot sa kanya ang lahat ng test paper na binigay sa amin. 

"Bagsak 'yan." Maikli kong sabi sabay hiniga ang aking ulo sa table ng upuan ko. 

"Bagsak?," Nagtataka niyang tanong. "Imposible." Dagdag niya pa sabay tingin sa lahat ng mga test papers ko. 

"Baliw! Anong bagsak dito? 74 out of 75? Gaga isa lang mali sa lahat ng mga na-exam natin. Bagsak ka d'yan." 

hindi ko pinansin pa ito sa halip nanatili lang ako sa ganitong posisyon.

"Ano ka girl. Halos isang linggo rin na nag-review 'yang friend natin at syempre kasama ang crush niya." Si Nicole na katabi ni Camille.

"Tapos?"

"Syempre nakahiya si merlat kasi perfect score sa lahat ng exam si crush e tapos siya may isang mali sa lahat ng subject." 

"Sus, parang isang mali lang. Bakit kahit ba maka perfect score katulad ng asungot niyang crush papansinin ba siya? Nako tigil-tigilan mo ako sa pagiging drama queen mo bakla. Bawi na lang next exam hindi yung parang pinagsakluban ka ng langit at lupa d'yan." 

Wala akong balak sa pakinggan ang mga ito. 

"Tapos na kayo? Pwedeng bumalik na kami sa mga upuan niyo? Ang iingay niyo e." Taray kong sabi.

Nakabusangot na bumalik ito sa kani-kanilang mga upuan. 

"Sungit." Rinig ko pang sabi ni Camille. 

"Paano naman kasi hindi magiging masungit 'yan. Look." Turan ni Judy kaya pare-pareho kaming napatingin sa pinto. 

It's him. Bwisit harap-harapan ba naman. 

Araw-arawin ba naman n'yang ligawan si Erica the maggot yung tipong sabay kaming nag-re-review pero wala siyang ibang bukhang bibig kundi ang mukhang langaw na babaeng 'yon. Kahit imbes na makapag focus mas lalo lang akong na-imbeyerna sa mukhang langaw na iyon. 

Erica Salcedo, team captain ng cheerleading club. Sikat sa buong school, reining prom queens since junior high, kinaiinggitan ng mga kapwa niya peklat kaso bobita. Ganda lang ang alam ni hindi nga ata marunong mag-solve ng divison 'yon. Gosh, kung talino lang ang basihan nako ingrown ko ata ang mukhang lamok na 'yon. 

"Tsk. Ganda ang puhunan para maka akit ng lalaki." Rinig kong sambit ni Gracie.

MInsan agree din talaga ako sa lumalabas sa bibig ng babaeng 'to. 

"Ano ka ba 'yan na ang in ngayon no. In this freaking generation of us loser ang pangit." Gatong ni Judy.

"And speaking of your his devil twin sister." Nguso ni Camille. 

Nanlaki ang pareho kong mga mata at the same time my right eyebrow raise when I saw her. 

"Velarious my love!" Sigaw niya sa pinto ng classroom. 

Kahit kailan talaga napaka epal ng peklat na 'to. 

Wala pasabi itong pumasok ng classroom at hindi niya sinasadyang matulak si Erica the maggot kaya kamuntikan na itong matumba at sumalampak sa sahig. 

"Ow, sorry. Harang ka kasi masyado." Kita kong taas kilay na sabi niya kay Erica the maggot. 

Gosh, hindi ko mapigilang tawagin itong langaw. Bagay naman kasi talaga sa kanya dahil kung kani-kanino siya nadapo. 

Obsessive BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon