52

324 7 1
                                    

a/n: please listen to "Patawad (Halfway Point)" by Moira Dela Torre while reading.

seankelly's playlist 💌🎧⭐️

seankelly's playlist 💌🎧⭐️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[ 52 ] #LoveKnotWP

NOTES
[Kelly]

< All iCloud

February 27, 202x at 10:18 PM

Hindi ko alam kung saan puwedeng ibuhos 'tong nararamdaman ko. Pero puwede naman sigurong dito na lang, diba?

Ang sakit-sakit. Siguro OA na 'ko sa mata ng iba, siguro sinasabi nila na di naman talaga naging "tayo" so wala akong karapatan na masaktan. Pero I really don't know na ganito pala kasakit na iwanan sa ere ng walang dahilan.

Pinagkatiwalaan kita nang sobra, Sean, becos I know na mabuti kang tao. Alam kong alam ng iba na mabait ka. Pero di ko ine-expect na iiwan mo 'ko na parang gamit na tapos mo ng gamitin. Para mo akong tinapon nang basta-basta.

Bakit wala man lang pasabi, or kaya warning? Diba ganon naman talaga kapag aalis? Dapat magpapaalam muna? Pero bakit di mo ginawa? Bakit kahit message wala akong natanggap?

Ang saya-saya pa natin, diba? Lagi ka pa ngang nagpa-promise na magse-stay ka hanggang sa makita mo na white na yung buhok natin pareho. Sabi mo nung Christmas Eve, aaralin mong lutuin yung paborito kong Nilagang Baboy. Nag-promise ka pa na pupunta tayo ng Enchanted Kingdom kasi di ka pa nakakarating dun.

Nandito naman ako. Makikinig naman ako kung may problem ka. Nag-promise pa tayo na di natin sasaktan isa't isa, diba? Ikaw pa nga yung unang nag-promise e. Confident ka na di mo ako iiwan.

Araw-araw akong nagpe-pray na sana matupad natin parehas yung mga promises natin, alam mo ba yon?

Pero sobrang unfair mo.

Sinabi ko sayo na hate na hate kong umaalis ka nang walang paalam, pero bakit ginawa mo pa rin?

Kung ganito pala kasakit, sana hindi na lang kita nakilala.

Love Knot (Lovesite Series)Where stories live. Discover now