Kabanata 3

305 17 4
                                    

Craye

habang nag ddrive ako papunta sa company kung saan ako nag wowork ay biglang tunog nang phone ko, dineadma ko na muna kasi tunog messenger naman at baka gc lang namin magkakaibigan.

ganon na lamang ang pagtataka ko dahil sunod sunod ang pag tunog nito, wari ko ay may pinag uusapan na naman silang bagong chismis.

hindi ko na lang din ulit pinansin at nag direcho ako nang pag ddrive para pumasok sa work.

pababa na ako nang sasakyan nang biglang may nag call naman pero sa messenger pa din, nag video call pa nga ang mga gaga.

natatawa na lang akong pumasok sa office, bahala silang mag chismisan doon basta at least alam ko na may pag-asa nang makauwi si Justine sa pinas.

binati ako nang mga staff and nag nod naman ako, good vibes ako today.

pag pasok ko sa office ko, nakita ko si Carol na secretary ko na nakaabang na sa akin hawak ang telephone.

"good morning Archi. kanina pa po galit si Ma'am Mon hindi ka daw po nasagot sa phone." sabi ni Carol sa akin pero sinenyasan ko lang na ibaba nya na ang telepono

hummm tatawagan ko na lang si Mon gamit ang phone ko

pagbaba ko nang mga gamit ko sa table ay agad kong kinuha sa bag ko ang phone ko, andaming missed calls sa messenger.

tinawagan ko na agad si Mon at baka mag alboroto na naman yun.

"ikaw gagi ka ano? kanina pa maingay sa gc pachill chill ka lang jan." inis na sabi ni Mon sa kabilang linya

"wala nang mas importante sa ibabalita ko sayo." sabi ko na lang

"baliw ka ba? mag basa ka nga sa gc natin." sabi naman ni Mon

"ayoko, katamad mag br. hummm kwento mo na lang sakin."

"hay buhay! si Maice nakauwi na nang pinas." balita ni Mon sa akin

wait.....

si Maice nakauwi na nang pinas?

"teka teka! si Justine?" agad ko naman na tanong

"yun lang hindi nya kasama." medyo malungkot na wika ni Mon

"anong hindi kasama? teka lang sabay silang umalis tapos hindi kasama? why?" kinakabahan na tanong ko

baka nga kaya nag paiwan si Justine doon is for good na sya at si Maice umuwi kasi dito nya gusto, then why?

halos mangiyak ngiyak ako sa nabalitaan ko, possible ba na hindi tanggapin ni Justine ang alok ni Gianne

"sabi lang ni Kerubin samin, i mean sa gc. tsk! ayaw mo kasing magbabasa." sermon naman ni Mon

"ano daw sabi ni Maice sa kanya?" tanong ko

kasi eto na naman ako, nawawalan nang pag-asa na baka tuluyan ko nang hindi makasama si Justine

"wala syang binanggit, nakakahiya naman na magtanong pa, buhay na yun ni Maice at di na din sakop ni Angel." sagot ni Mon sa tanong ko

"hummm baka naman kasi susunod na si Justine kasi nakauwi na si Maice." pag coconvince ko sa aking sarili

sana, sana.

"hummm feeling mo? pero bakit? diba sabay silang umalis dapat sabay din silang bumalik." malungkot na sabi ni Mon

gusto kong maging positibo sa bagay na ito, ayoko na walang Justine, ayokong hindi ko sya makakasama.

kung kinakailangan kong humiling nang isang himala ay yun ang makasamang muli ang taong mahal ko

Justine is my home

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Where stories live. Discover now