Kabanata 23

187 21 6
                                    



Agad napunta kay Kiel ang camera at oras na 'yon para umalis kami. Pero nagpapigil si Kiella na umiiyak dahil sa nangyari.



"Sabihin mo sa kanila ang lahat. Baka sakaling mapatawad pa kita," gulat ako sa sinabi ng kapatid ko.



"May conference ako bukas. Pumunta kayo doon kung gusto n'yo malaman ang totoo---"



"Gusto namin ngayon na," sagot ng isa.



Lumapit sa amin si Migz at hinawakan kami ni Kiella para ilayo doon. Nakalayo kami at pumasok sa loob ng sasakyan. Nakita ko rin ang pag takbo ni Kiel at nagulat ako ng pumasok 'to sa loob. Ngayon katabi n'ya si Migz sa harapan.



"Gago ka talaga. Hindi ka nag dala ng sasakyan?"



"Mas mahuhuli ako kung magdadala ako," iniwas ko ang tingin ko sa kanila.



Binuksan ko ang bag ko. Nagulat ako dahil nandoon ang pera ni Keiran na ni-withdraw kahapon. Huminga ako nang malalim saka nagsalita.



"Migz, doon nga tayo sa mommy ni Kiel. May ibibigay lang sana ako bago ako umuwi," napatingin sa akin si Kiel pero agad din 'to umiwas nang tingin.



"Ate, ano gagawin na 'tin doon?" agad na tanong nito pero hindi ko sinagot.



Huminga ako nang malalim at niyakap ko ang kapatid ko. Pinunasan ko ang luha nito habang nasa loob kami ng sasakyan. Tahimik lang kami na nasa byahe hanggang sa makarating kami sa Village ng bahay ng mommy n'ya.

Sobrang yaman na talaga nila.



Hindi ako makapaniwala. Noon pa man alam kong mayaman na sila pero pinili nila na sumama sa amin sa isang Subdivision para lang makasama si mama dahil matalik silang magkaibigan. Ang mama ko rin naman mayaman, mayaman ang pamilya n'ya pero talagang dadating ang trahedya sa pamilya.



Huminga ako nang malalim at bumaba. Sumunod ang kapatid ko at sumama sa akin sa loob. Sumama rin si Kiel, kaya naman napapasok kami sa loob kasama Kiel.



Huminga ako nang malalim.



"Nandito si mommy sa Garden kasama si daddy," tumango ako kay Kiel at saka pumunta kami doon.



Nakita ko sila at napatingin sila sa akin. Ang ngiti ng mommy ni Kiel ay biglang nawala nang makita kami ni Kiella. Huminga ako nang malalim.



"Bunso dito ka na lang. Mabilis lang naman 'to---"



"Sasama ako," kumapit 'to sa braso ko.



Agad kaming pumunta doon. Hindi ko alam kung uupo ako o hindi.



"Ano na naman 'tong issue mo, Kiel?" ito ang bungad n'ya kay Kiel. "Nakakahiya kay Jessa! Sana mas ginugusto mo ang babaeng tulad n'ya---"



"Mom!" sigaw ni Kiel dito kaya tinaasan n'ya 'to ng kilay. "Nandito sila kasi may bibigay sa 'yo si Akella!" napatingin sa akin 'to.



"Wag po kayo mag- aalala. Wala po akong balak patulan ang anak n'yo," nakangiting sabi ko habang nanginginig ang kamay ko.



Ang dating malambot na mga mata n'ya ay ngayon ay matigas at puno ng poot. Ang dating boses n'ya na malmbing pag sa akin ay ngayon ay sobrang lamig.



"Dapat lang. Hindi kayo bagay ng anak ko---"



"Hindi papatol si ate sa kan'ya," putol ni Kiella dito at agad kong binawal.



Akella Espejo (Daughter Series #1)Where stories live. Discover now