Manila
Wella
"Bitawan niyo siya!!!"
Boses ni Vince ang narinig ko habang naglalakad pauwi ng bahay. Galing ako sa palengke upang kumita ng barya mula sa pagbabantay ng tindahan ni Aling Simang na tindera ng gulay. Nagtataka ako kung bakit sumigaw ang kapatid ko labindalawang taong gulang.
Napatakbo na ako nang makita nagkukumpulan ang mga kapitbahay sa tapat ng aming bakuran. Nang makalapit na ako at saka napansin ang ambulansyang nasa 'di kalayuan. May mga lalaking nakasuot ng uniporme pang ospital na kasama si kapitana. Bitbit ng dalawa sa kanila ang nagpupumiglas ko nanay habang si Vince ay pilit na pinipigilan ang mga ito kahit parehong may katangkaran.
"Bitawan niyo ang nanay ko! Sino ba kayo?" matapang ko tanong sabay yakap kay nanay nang makawala sa pagkakahawak ng dalawang lalaki.
"Ate!" umiiyak na tawag ni Lesly sa akin na bunso naming walong taon gulang pa lamang. Lumapit ito sa amin ni nanay at yumakap din.
"Huwag ka ng makialam pa, Wella. Makakabuti ito para sa nanay mo at sa inyong magkakapatid," wika ni kapitana.
"Sino kayo para magdesisyon kung ano makakabuti para sa amin?" tanong ko.
"Nababaliw na ang nanay mo at nananakit ng tao lalo na ng mga bata. Ang daming reklamo sa barangay kaya ito ang napagpasyahan namin. Bilang kapitana niyo ay kailangan ko protektahan ang mga nasasakupan ko," sagot ni kapitana.
Natawa lamang ako ng pagak dahil sa mga narinig ko, "Hindi mananakit ang nanay ko kung walang manunukso o mang-aasar sa kanya!"
"Ah basta, malala na ang saltik ng nanay mo," tugon nito sa akin at saka bumaling sa dalawang lalaki upang mag-utos, "Dalhin niyo na 'yan!"
"Hindi ako papaya!" pagmamatigas ko sabi na lalo hinigpitan ang yakap kay nanay. Umiiyak na ito na akala mo ay naiintindihan ang nangyayari sa kanyang paligid. Hindi na rin napigilan ng lima ko pa nakababatang kapatid na umiyak dahil sa nangyayari.
Lumapit sa akin si kapitana at bumulong, "Alalahanin mo na may mga maliliit ka pa kapatid at kaya ko rin na ihiwalay sila sa 'yo."
Bigla ako nakaramdam ng panghihina sa narinig kaya naman lumuwag ang pagkakayakap ko kay nanay dahilan upang mahila siya palayo ng dalawang lalaki. Isinakay siya sa ambulansya at pilit na ipinasuot ang isang straitjacket at itinali sa katawan nito.
"Saan ba siya dadalhin?" nag-aalala ko tanong.
"Saan pa ba kun'di sa ospital ng mga baliw," sagot ni kapitana at sinenyasan ang mga lalaki na umalis na. Umalis na rin si kapitana habang naiwan kaming magkakapatid na nakatunganga sa daan.
Biglang may butil ng mga luha ang nalagas sa gilid ng mga mata ko dahil sa sinapit ni nanay. Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang mamatay si tatay dahil nasagasaan ito ng sasakyan at iniwan sa daan.
Hindi matanggap ni nanay ang pangyayari kaya bigla na lamang nag-iba ang ugali nito. Madalas na nagsasalitang mag-isa si nanay habang naglalakad ng nakayapak sa daan. Lagi namin itong hinahanap at madalas matagpuan sa palengke kung saan dati kargador si tatay. Tinatanong niya sa mga taong nakakasalubong kung nakita nila si tatay, ang iba ay natatakot samantalang ang mga nakakakilala sa kanya'y awa ang nararamdaman.
Nang wala na sa aming paningin ang ambulansyang lulan ni nanay ay nagpasya na kaming pumasok sa loob bahay. Iyak pa rin nang iyak si Lesly dahil sa pangyayari.
"Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo!" masungit na paninita ni Aira na matanda ng isang taon kay Lesly. May pagkamasungit talaga ito at lagi pinapagalitan ang bunso namin. "Tumigil ka na sa pag-iyak kun'di ay papaluin kita!"
BINABASA MO ANG
Wella (wala) Dangal (Venus Goddesses Series 8)
RomanceKahirapan ang nagtulak kay Wella na magnakaw upang may maipakain sa kanyang limang nakababatang kapatid. Sa isang hindi inaasahan ay nakilala ni Wella ang nagpapatakbo ng Venus Club at nabigyan siya ng trabaho. At sa Venus Club din siya natutong man...