Kahirapan ang nagtulak kay Wella na magnakaw upang may maipakain sa kanyang limang nakababatang kapatid. Sa isang hindi inaasahan ay nakilala ni Wella ang nagpapatakbo ng Venus Club at nabigyan siya ng trabaho. At sa Venus Club din siya natutong mangarap na may makikilalang mayamang lalaki na mag-aahon sa kanilang magkakapatid mula sa kahirapan. Ngunit mapagbiro ang kapalaran dahil tumibok kaagad ang kanyang puso nang makilala niya si Lorcan, isang lalaking palamunin ng mga kaibigan at walang pangarap sa buhay. May pag-asa pa kayang makaahon sa kahirapan si Wella at maakit si Lorcan gayong may ibang motibo ito sa kanya?