GHOUL VILLAGE

62 0 0
                                    

Tiningnan ko ang admiral at dahan dahan siyang naglalakad papunta sa kinaruruonan ko na hingal na hingal.

"B-bwesit.... K-kang... B-babae.. K-ka!.." nauutal na sabi niya.

"N-nauubos.. A-ang.. Q-quinque.. K-ko sa... S-suit.." dagdag pa niya na hingal na hingal.

Dahil dun ay agad akong nagulat, nauubos din pala ang quinqueng nakalagay sa damit nila..

Nang makalapit na ang admiral ay agad niyang tinaas ang dalawa niyang kamay at aakmang e-smash ako nang biglang may isang tambuhalang lalaki ang tumakbo sa kinalalagyan ko at doon ay binangga niya ang admiral at parehas silang tumagos sa pader.

"Yo Celesti!!." sigaw ni Richard sa tagiliran ko.

Agad akong natuwa dahil nandito sila Richard at Rhandie.

"Bakit mo naman kami iniwan!." dagdag pa ni Rhandie.

Labis na ngiti ang nakabakat sa mukha ko, ibig sabihin lang nito ay si Chito yung bumangga sa admiral kaya tiningnan ko ang butas na gawa nito at doon ay nakita ko si Chito na ini-smash si admiral.

Kaya agad kong binalik ang tingin ko kay Richard.

"Nagising na kayo!!!..." sigaw ko sa tuwa.

Rinig na rinig namin ang ingay na ginawa ni Marlon, ini-smash niya ng paulit ulit yung admiral.

Pagkatapos nang pangyayareng yun ay agad na bumalik si Chito na naliligo ng dug0.

"Tapos na rin." sabi ni Rhandie.

Ngumiti lang si Chito at sabay sabay silang tatlong bumalik sa normal nilang anyo, ganon rin ako at napaupo kaming lahat sa sahig.

"Finally, natapos na rin..." sabi ni Chito.

Mga limang segundong pagpahinga ay agad na tumayo si Chito at kinuha niya si Stella at Chito na nag aagaw buhay, tsaka niya inilapit kay akio na nakahilata sa sahig.

"Inumin nyo ang dug0 niya." sabi ni Chito at nagtungo sa kinalalagyan ng dalawang mage na walang malay.

Kinuha niya ito at nilagay sa gilid namin.

Hinintay lang namin na makarecover sila Stella at Mark.

8 minutes nang matapos silang uminom at nakarecover sila ng lakas. Ngunit hindi pa sapat para makatakbo kaya agad na binuhat ni Chito si Stella at Richard. Kay Rhandie naman yung dalawang mage na walang malay at sama sama kaming umalis sa loob ng hideout na iyon.

Paglabas namin ay sumalubong sa harap namin ang napakadaming sundalo, doon ay wala kaming laban dahil puro mga riffles ang bala ng mga armas nila.

"Sumuko na kayo!..." sigaw ng general.

Di ko alam pero biglang nagiging tambuhalang halimaw si Rhandie at napapaligiran ng quinque ang buo niyang katawan. Ganun rin si Chito. Malaki na siya noon pa kaya pinapalibutan lang niya ang kanyang sarili ng quinque.

Di ko alam na makukuntrol pala ni Rhandie ang ganyang form. Kanina lang kasi nagiging aggressive siya.

Pagkatapos nun ay agad na umupo si Rhandie at pinasakay niya ako sa likod niya tsaka sila tumalon ng napakalakas.

"Firee!..." sigaw ng general.

Agad nila kaming pinapaulanan ng bala.

"Ubosin ninyo ang mga bala ninyooo!!..." dagdag pa niya.

Nakita ko si Rhandie  na madaming tama, pero hindi umabot sa katawan at naka stack up lang sa armor niya. Ganon rin si  Chito Pagkatapos nun ay agad silang nagtungo sa gubat.

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now