Chapter Twenty Five

1.4K 22 1
                                        


"Mommy!"

"Hey, baby."

Maaga pa lang ay pumasok na ko ng opisina para antayin ang pagdating ni Zach. Nang makita ko to ay agad niya kong niyakap ng mahigpit.

"Have you eaten, Zach?" I asked him. Tumango ito at ngumiti, "What did you have for breakfast?"

"I had a rice and hotdogs and bacons and I asked nanny Romie to make pancakes for you!" Saad niya at kinuha ang lunch bag niya kay Zephyr tsaka ito binuksan. Sa loob non ay may baunan na superman at inabot niya 'yun sa'kin.

"Wow. Thank you baby." I said and hugged him. Hinalik-halikan ko ang buong mukha niya at tuwang-tuwa siya sa ginawa ko.

"Mommy, I'm going to school already." Kwento niya sa'kin at nagpakandong, "Ninowng Laurent told me that I should not cry in school because I'm a big boy already!"

"Laurent?" Tanong ko sa pamilyar na pangalan. Saan ko nga ba narinig ang pangalan na 'yun?

"Yeah. He's my ninowng." Slang na saad nito, "I love ninowng because he always plays with me in US and he always buy me toys!"

"Kaibigan ko si Laurent." Singit ni Zephyr sa'min, "Anyway, cancel all my appointments today. Gusto kong makasama mo si Zach ngayon."

"Sure ka?"

"Yep." He said and gave a small smile.

Buong umaga ay naglaro kami ni Zach sa playroom na meron ang kompanya. Minsan daw kasi ay dinadala ng mga empleyado ang mga anak nila at iniiwan dito.

"Hi?" Lumingon ako sa isang lalake na nakasilip sa pinto, "Am I disturbing you?"

"Pasok ka Allein." Saad ko. Ngumiti ito at agad tumabi sa'kin, "Baby, I want you to meet someone."

"Who?" Tumaas ang kilay ni Zach tsaka lumapit sa'kin.

"Hey little man." Bati ni Allein, "Nagtatagalog ba siya?"

"Hindi eh." Saad ko. Tumango ito at ngumiti kay Zach.

"Why is your eyes small?" Tanong nito na kinatawa namin.

"Because I'm a Chinese." Tugon ni Allein dito.

"I see. What's your name?"

"I'm Allein. You can call me Captain Allein!"

"Captain? Are you a hero?" Nanlaki ang mata ni Zach sa kanya.

"Oh, I'm more than a hero, buddy. I'm not as strong as superman or as famous like batman or a genius like iron man. But you know who I am?"

"Who?"

"The guy whom your mom can call, her man." Banat nito na kinatawa ko. Mukhang hindi naman nagets ni Zach ang sinabi niya kaya hinarot harot niya to at nakipaglaro. They played tag and I was laughing as I watch them. Ang laki laki kasing tao ni Allein pero nagtatakbo ito paikot ng playroom. Tinanggal na niya ang coat at necktie niya para makapaglaro sila ng maayos ni Zach.

Napansin ko naman ang lalaking nakatayo sa glass window ng playroom. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita si Zephyr at nang magtama ang mata namin ay napayuko siya at lumakad palayo. Tila parang may pumiga sa puso ko at agad akong sumunod sa kanya sa labas ng playroom.

"Zephyr!" I called him. Tumigil ito sa paglakad at humarap sa'kin kaya nilapitan ko siya, "Sorry. Nakipaglaro lang kasi si Allein kay Zach."

"I-It's okay. Nakikita kong masaya si Zach." Saad nito nang hindi ngumingiti, "I guess I'm not fit to be his father. Alam mo bang si Laurent halos nagpalaki kay Zach?"

CONSEQUENCE OF TEMPTATION ✔️Where stories live. Discover now