PART 10: First Day Of School, Late?

13 2 0
                                    

-Althea's POV-

*June 15, 20**

=Kriiiiiiiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiiiing=

Napabalikwas ako, ang aga pa yata? Bakit ang aga naman yata nakaset ng alarm clock ko? Ano ba ngayon??

Kinuha ko yung phone ko na nakalagay sa may tabi ng lamp shade sa katabing maliit na table ng kama ko.

Sakto namang tumunog yung alarm ng phone ko at may nakasulat na note.

Note!

My Baby Princess,

Hooray! It's Monday My Beautiful Princess! Wake up! Wake up!
It's First Day of School!

Love,
  Prince Tyler ♡

Napangiti na lang ako ng mabasa ko yung note. Ang sweet talaga ng kuya ko, kaya mahal na mahal ko siya eh.

Ngayon ko lang naisip, I'm running out of time kapag tumunganga pa ako sa higaan ko, ang bagal ko pa naman kumilos.

Nakuha ko na rin naman yung schedule ng class ko galing kay tito Art.

Umupo ako at nagdasal, everyday ko ginagawa yan, pag gumigising. Hehe. Inayos ko na yung hinigaan ko kahit na alam kong may gagawa nun, nakasanayan ko na rin kase eh, ako kase ang tipo nang brat na may pakinabang, ahikhik. Hihihi. Totoo yun ah, maniwala kayo.

Ngayong maganda ang mood ko, ayaw kong masira 'to na kahit na sino.

Tumuloy na ako sa walk in closet ko, at deretso sa bathroom para maligo.

Pagkatapos ko maligo nagbihis na ko ng school uniform at nagsuot ng black shoes na 3 inches ang tangkad ng takong. Nag ayos na ko ng sarili, kinulot ko lang iyong dulo ng wavy hair ko, mamaya na ko maglalagay ng kunting blush-on at lipgloss kapag papunta ng school.

Well Done!

Tumingin ako sa alarm clock ko sa ibabaw ng table sa side ng higaan ko. It's 7:00 a.m na kaya napagpasyahan ko na bumaba na.

Inabutan ko sina mom at dad sa dining area na kumakain na. Aba! Hindi yata sila nagmamadali ngayon?

"Good morning Mom, Dad." Bati ko nang makalapit ako sakanila sabay halik sa pingi nila.

"Ang aga yata ng aming Prinsesa?" Sabi ni Dad.

Umupo na ako sa may tabi ni Mom.

"Eh Dad, I want to be early since it's first day of school." Sabi ko habang kumukuha ng pagkain.

"Make us proud, Princess." Sabi sakin ni Dad habang nakangiti.

"Lagi naman niyang ginagawa iyon para sa atin eh." Bungad ni kuya sa may pintuan ng dining area. Infairness of all fairness, maaga ang kuya ko ngayon, palibhasa first day.

"Good morning Mom, Dad." Sabay halik sa noo ni mommy. "At good morning sa'yo mahal na prinsesa." Sabay halik sa noo ko.

Umupo na rin si kuya sa may kabila ng mesa sa kaliwang side ni papa.

-Thyrone's-

Boring talaga kapag unang araw ng klase. Medyo nakakatamad. Nakakawalang ganang pumasok kaso hindi pwedeng hindi pumasok kase alam ko makakarating kina Dad na hindi ako pumasok. Malalagot ako.

Magkasunod ang kotse namin ni Klent na pumasok ng gate ng Academy, nahalata ko lahat ng studyante nakatingin sa amin. Artista ba kami? Kung makatingin wagas eh!

Exclusive school for Elite People ang school namin, pero bakit kung makatingin sila parang ngayon lang nakakita ng mayaman? Eh mayaman din naman sila.

Nagpark na kami ng kotse sa parking lot. Pagkababa namin ni Klent nagtitilian iyong mga babae. Nagbubulungan pa. Ang iba talagang pinagpapantasyahan pa kami.

~Eng gwepe neye telege.~ sabi noong isang babae na halos himatayin na sa kagwapuhan namin.

~Crush na crush ko na iyan si Klent noon pa. Sobra.~

~Gosh! Can't help it guys, nikikilig ako sobra~

At kung anu-ano pang bulungan pero hindi ko na lang inintindi, ito namang si Klent todo kaway naman sa mga nagpapapansin. Babaero talaga ang loko.

Dumeretso na kami sa room kung saan ang first subject namin. First of school, first subject late. Spell the word late! L-A-T-E. Late at halatang galit si Ma'am.

"Mister Dela Cuesta! At Mister Riego! First day of school at first subject late kayo!?" Hala? Nagalit?

Nakatayo lang kami dito sa may pintuan, lahat sila nakatingin pwera doon sa isa, buti na lang talaga mga gwapo kami kaya tahimik lang sila.

"Mr. Dela Cuesta sit beside Miss Abiera, and Mr. Riego beside Miss Siefert." Sabi ni Ma'am na nakatingin sa lesson plan niya.

Sino naman diyan ang Abiera? Iisa lang naman ang kilala kong Abiera at kung mayroon pa, eh sino??

Umupo na si Klent sa tabi ni Sue at ako still nakatayo, finding someone.

"Is there any problem Mr. Dela Cuesta?" Ayan! Napansin pa tuloy ako ni Ma'am. "Oh you don't know her? She's there!" Sabay turo ni Ma'am doon sa babaeng nakayuko na mukhang walang pakialam sa nangyayare.

Naglakad na ako papunta doon sa upuan sabay upo.

-Klent's POV-

Araw araw ba magiging ganito buhay ko sa first subject? Bakit pa kasi ito pa iyong katabi ko, ang sungit sungit eh! Maganda sana.

"Hoy asungot! Ayaw mo ba akong katabi? Gusto mo palit kayo ng kaibigan mo?" Aba! Tinatanong pa ba iyan? Siyempre gusto ko!

Instead of having fight with her I remain to be silent.

Wala naman mangyayare kung papatulan ko siya eh, maganda sana bungangera lang.

Tumingin ako kay Rhon na nasa likod ko lang, katabi niya si Althea.

"Hoy Rhon?" Sabi ko, nakatingin kasi siya sa may bintana.

"Bakit?" Mukha yatang badtrip ito?

"Ganda ng katabi mo badtrip ka pa?" Sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko.

"Tch." Ang ganda ng sagot! Grabe! Sobrang haba!

Binalik ko na lang atensyon ko sa lecture ni Ma'am.

"Ha'ay ang ganda mong kausap." Bulong ko.

___________

Ole! Ole! Ole! Hi mga mahal kong readers!^_^

Wait for the next update!

Leave comments and vote if you love this chapter.♡

*nanay nerdy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms. In-denial meet's Mr. PretenderWhere stories live. Discover now