CHAPTER FIVE

213 10 0
                                    

AJI P.O.V

KINAUMAGAHAN hindi ako nakapasok dahil sa pananakit ng katawan para akong nabugbug na ewan.

Kung alam ko lang sana na ganito ang kahihinatnan non ay sana umalis nalang ako nong sinabi nyang pwede na akong umalis sempre masunorin akong bata kaya pinag patuloy ko.

"Ano ba kasing ginawa mo at nag kaganyan yang katawan mo?" Nag aalalang tanong ni mom

Nandito lang kasi ako mag hapon sa kwarto ko naka hilata hindi ko man lang kayang tumayo kung tatayo man ako ay sasakit ang buo kung katawan kaya hindi nalang ako nag balak pa na tumayo at hinayaang humilata sa kama ko.

"Nahuli kasi nila akong nasa labas habang nag claclasse kaya pinaglinis nila ako sa cafeteria" sinabi ko yong totoo kay mommy hindi kasi ako nag sisinungaling sa kanya napabuntong hininga nalang ito sa narinig.

"Wag mong pwersahin yang katawan mo sa mga bagay na hindi ka sanay. Kaya yan ang napala mo" sabi nito

"Mommy naman ang sakit na nga ang katawan ko tas sinasabi mo pang parang deserve ko yon" nakapout kung sabi sa kanya

"Deserve mo naman talaga eh!" Napatingin kami pareho ni mom dahil sa nag salita mula sa pintuan nitong kwarto ko

"Naka uwi kana pala" sabi ni mom kay ate

"Opo ma! Gusto mo ng massage Aji?" Tanong nito sakin

"Hindi! Baka baliin mo lang ang bone ko" ngumisi naman ito. "Wag kang ngumisi hindi mo bagay" naka kunot noo lang nya akong tinignan!. Tignan mo to pikon nanaman.

"Tama na yan. Aji tomorrow don't forget na my dinner tayo pag talaga hindi kapa sumipot sinasabi ko sayo" banta ni mom sakin

"Sisipot ako mom don't worry" nakangiti kung sabi sa kanya.

Sempre sisipot ako kasi makikilala ko na yong magiging fiance ko. Maganda kaya ito? Sana kasing ganda nya si miss? Ay hindi ko pala natanong kung ano ang pangalan nya.

"Aji yong mga kaibigan mo pala nasa sala" tumongo nalang ako sa sinabi ni ate.

Speaking of kaibigan sila pala ang nag hatid sakin kahapon kasi hindi daw nila ako magising. Sino bang magigising sa lagay kong yon halos nawala lahat ng lakas ko.

"Mom ano pong osar ng dinner natin?" Tanong ko dito

"Mga 7. My pupuntahan kaba sa araw nayon?" Umiling naman ako

Mag hahang out sana kami ng mga kaibigan ko pero mukhang hindi ako makakasama sa kanila dahil sa dinner na magaganap.

"Maiwan kana namin dito paaakyatin ko nalang yong mga kaibigan mo" tumongo ako kaya umalis na sila.

Uminom naman na ako ng gamot pero bakit masakit parin ang katawan ko lalo na sa likuran ko.

Napasandal ako sa head board nitong kama ko nong bumangon ako at mariin na pumikit.

Mula pala bukas my fiance na ako. Sana naman makakasundo ko yon. Sana hindi nya kaugali si ate para hindi mag kaproblema.

"Bro okay kana ba?" Napamulat ako dahil sa malakas na boses ni Kylee.

"Medyo" sagot ko dito sumampa naman sila sa kama ko at umupo.

"Ano tuloy ba tayo bukas?" Tanong ni wayne

"Hindi pala ako pwede bukas may importante kaming lakad nila mom"

"San naman?"

"Basta sasabihin ko nalang sa inyo pag sigurado na" hindi pa kasi ako siguro kung fiance ko na sya.

Kasi pwede syang umatras oh di kaya hindi pumayag di mapapahiya lang ako sa mga kaibigan ko.

"So kami nalang ang pupunta" tumongo nalang ako.

THAT COLD SSG PRESIDENT IS MY FIANCE Where stories live. Discover now