Chapter 3

1 1 0
                                    

Thursday ngayon kaya walang pasok, Ang gagawin ko lang maghapon ay tumulong sa mga ipagagawa nila tita. Natapos ko naman na lahat ng activities ko kaya wala ng problema.

"Ija sakto tara dito patulong naman ako nito" nagtataka kong tiningnan ang ginagawa ni tita, ano yan? Crochet?knitting?

"Halika ija tiruan kita tapos tulungan mo ako sa pakikipag usap, ang boring kasi pag walang kausap"
masaya kaya na ginagawa mo ng tahimik yan

"Sge po tita" sabi ko lang at umupo ako sa tabi niya, Step by step niya akong tinuturuan hanggang sa unti unti ko na itong nagegets. Ang mga disenyo muna ang ginagawa ko tapos si tita mismong bag na ang ginagawa niya.

Expert siya e tapos ako naman ex lang niya, huyy!

"Ang galing mo naman ija ang bilis mo matuto" anong ang bilis e 2 hours na kami dito wala pa akong nagagawa.

"Tita, may almusal na po ba?" takhang tanong ko dito kasi alas nwebe na wala pa kaming pagkain tapos may pasok pa si cj mamayang 2 pm.

"Halaa!! oo nga di pa pala ako nakakapag luto" yan tayo e.

"Ako na po tita, Pag patuloy niyo na yan" ngumiti si tita at pinuri ako na ewan

Naghalungkat lang ako sa ref ng kung anong meron dito para ayon nalang ang lulutuin ko. Meron ditong hotdog, Ham, Itlog. Nag luto na rin ako ng cornbeef para mas ganahan kaming kumain. Mayaman sila tita pero ayaw nilang iwan yung mga pagkain na nakasanayan nila.

Matapos kong magluto ay ginising ko na si Cj. Si tito naman kanina pa raw madaling araw umalis kasi may trabaho pa.

"Cj wake up na" niyuyogyog ko si cj hanggang sa magising ito.

"Tita let me sleep pa po, I'm sleepy as fuck" hala putanginang bata to 6 years old palang puma fuck na.

"Cj watch your mouth, bad yan" nag pout lang siya at naupo tsaka kinuskos ang mata. Napaka cute na bata

"Ouch!! Tita naman e" binuhat ko na si cj at bumaba ma para makakain na kami, Inaya ko ma rin si tita para naman sabay sabay kaming kakain. Ngayong araw lang kami nag almusal ng 10am ah.

"Tita, taste good! ikaw nalang po lagi mag luto" kinonyatan naman ni tita si cj dahil sa pagiging inosente nito, masarap rin naman mag luto si tita.

pero mas masarap ako, loh joke.

Puro prito lang naman niluto ko at ang ginisa kong corn beef e. Kaya panong di sasarap e gumamit ako ng magic sarap:)

"After mo kumain cj take a bath na, ipag luluto nalang kita ng baon mo anak ha?" Tumango naman si cj at kiniss si tita sa pisngi "Nanami pwede bang paki hatid si cj sa school?" tumango naman ako kay tita.

Pag katapos namin kumain ay nag ligpit na ako ng lamesa tsaka hinugasan ang pinag gamitan naming mga plato habang si tita naman ay pinaliguan si cj dahil mga may pasok ito

matapos ni cj maligo ay nag palipas muna kami ng minuto at saktong 1 pm ay umalis na kami. Mag cocommute ulit kami ni cj kasi no choice, dala ni tito yung kotse nila.

"Bbye mommy labyu" kiniss ni cj si tita sa lips at humawak na sa kamay ko. Ang liit ng kamay na ang sarap hawakan, sumakay na kami ng jeep at nasa tabi ko lang si cj

"Tita what's your name?" tanong nito sakin, Isang taon na kaming mag kasama di pa niya alam pangalan ko?

"Nanami"

"May i call you tita nami?" tinanguan ko nan si cj at kinurot ang pisngi

"I love you tita namii" sabi nito sakin at kiniss ako sa pisngi na ikinangiti ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Friendship we madeWhere stories live. Discover now