Chapter 12

1.8K 34 16
                                    

"Ang init!" reklamo ni Jiro habang nag lalakad kami papunta sa bahay nila Faye, nasira kasi ang pinaka mamahal niyang N-max. Kaya naman mula sa pagawaan hangang dito nag lalakad kami.

"Malapit na tayo." nagulat ako nang bigla siyang sumigaw at tumigil sa pag-lalakad kaya napatigil din ako.

"Ano?" inis kong tanong sakaniya.

"Diba alam mo 'yung event nung isa pang araw sa park?" tumango ako. "Nandun daw si Jaze!"

Nanlaki ang mga mata ko, tuwang tuwa pa si Jiro at binasa sa harap ko ang nakita niyang post.

Nandito si Jazeeee Noolan! Hindi ko siya napansin kasi ang dilim tapos naka shades ata siya at cap! Pero bhie! May kahalikan si papi Jaze??!!??! Hindi ko nakita si ate gurll kasi natulak ako ng isa sa mga kasama koo SHUTAA!

Inagaw ko kay Jiro ang cellphone niya, nanlaki ang mga ko dahil picture namin 'yan!

"May secret girlfriend ata!"

"Ang chismoso mo, tara na nga." hinila ko na siya para naman makapunta na kami agad.

Pag ka dating naman namin ay umiiyak si Lira. Hawak hawak niya ang sandamakmak na tissue habang pinapa-tahan siya ni Faye.

"Anong nang-yayari?" agad kong tanong sakanila.

"Saena, hindi makaka-graduate si Lira." napa-singhap ako.

"Ha!" hindi ako makapaniwala. "Anong nang-yari?"

Imposible naman, hindi nag papagawa si Lira sa akin ng project. Si Faye lang, pursigido din si Lira sa pag aaral kahit bar girl 'yan. Matalino siya, so paano?

"Paano? Hindi ko maintindihan, magaling naman performance na pinapakita niya ah?"

"May nag issue kay Lira, nasakaniya 'yung answers dun sa gagawin naming test. Nakita sa bag niya." paliwanag ni Faye sa akin.

"No! I would never do that!"

Tumahan na si Lira kaya ito naka upo kaming apat makiki-chismis lang si Jiro dito.

"Do you know Ginoo?" tanong ni Faye at sunod sunod akong tumango. "He is the one who did this." kumunot ang noo ko.

"What? Si Ginoo? Bakit naman? Akala koba hanggang highschool lang ang pagiging academics rival?" nag ikbit balikat si Faye.

"No, may iba pang dahilan. Nag sabi na ako pero ayaw nilang maniwala sa akin, na sa'kin kasi ang papel. Lagot ako kay Papa nito kapag nalaman niya." niyakap ko naman si Lira.

May mga problema din siya sa bahay, kailangan niya kaming mga kaibigan niya ngayon.

"Are you going with us?" tanong ni Faye habang kumakain ng chips, si Lira ay nanahimik na sa isang gilid, habang ako naka tutok sa laptop.

"Ah, next time na siguro. Baka si Jiro gusto." ang sabi ko naman.

"Ha! Ano?" maang maangang tanong ni Jiro.

"Gusto mo ba sumama Jiro?" tanong ni Faye kay Jiro.

"T-titignan ko." gusto ko matawa, hiyang hiya si Jiro.

"Faye, no boys." pare-parehas kaming nagulat nang bigla nag salita ang mama ni Faye. Kaya naman hindi na nakasama si Jiro.

Reklamo siya nang reklamo sa akin habang mag kasabay kaming umuuwi, gusto niya din daw talaga sumama. Pero mahigpit daw pala ang parents ni Faye.

Pag ka uwi ko naman ay gabi na, unang bumungad sa akin ang pinapanood nila, pakiramdam ko nilalapit na talaga ng tadhana ang kahihiyan sa akin e.

Binabalita sa kabilang channel na trending na ang post nung babae na picture namin ni Jaze. Confirm na si Jaze daw talaga 'yun dahil sa myday niya na picture.

Endless | Warmth 1 | Completed Where stories live. Discover now