35: Humble Lives

4 0 0
                                    

VESPER

My head hurts. The surrounding feels like it's spinning. My body is heavy, I tried moving but I couldn't. I couldn't even open my eyes without feeling nauseous. I sigh before letting myself lay in bed for a little bit and waited for this unpleasant feeling to fade away.

After a few moments, my head feels better. I open my eyes, my vision is blurry. I blink a few times. Nang umayos ay paningin ko ay sinubukan kong igala ito sa buong paligid. Kumunot ang noo ko.

Nasaan ako? Ano'ng nangyari?

Luma na ang kwarto, wala halos kagamitang makikita sa loob. Tanging ang kamang kinahihigaan ko, isang luma at nakatagilid na kabinet, at isang maliit na mesa sa tabi ko. A broken glass was place in the table with a single piece sunflower placed on it. There were cobwebs in the ceiling and I heard unfamiliar noises around me, like tiny creatures running around in the ceiling and every corner of the room in circles.

Sinubukan kong tumayo ngunit muli akong napahiga. Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa non ang isang batang lalake. Maliit ang mangangatawan, buto't balat. Ngunit maaliwalas ang ngiti sa mukha nito. Kasunod niyang pumasok ay isa pang batang lalake, may dala itong tray ng pagkain at isang matandang babae.

Who are they?

"Magandang umaga, ate!" Bati nang naunang bata. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Hija, kamusta ang pakiramdam mo?" The old lady ask.

"Kumain ka na muna," dagdag pa nito. Lumakad naman ang batang may hawak ng tray sa maliit na mesa at inilagay ang pagkain. Tumingin ito sa akin, nagkatinginan kami.

Biglang kumirot ang ulo ko kaya napahawak ako rito. Isa-isang bumalik ang mga alaalang pansamantalang nawala sa isip ko. I remembered everything, what happened and why I'm here. I remembered Gran, the kids, Kyle and Ren.

"Ate?" Nakuha ni Ren ang atensyon ko. Tinanggap ko ang inaalok nitong tubig at uminom. Kahit ang bagong lutong pagkain na ibinigay nito ay tinanggap ko. Tahimik lang ang matandang babae at si Kyle na nanonood habang kumakain ako.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas si Ren dala ang mga pinagkainan ko. Nanatili sa silid si Kyle at ang matandang babae.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito muli. I don't know how to answer her. I don't know her, she's a complete stranger.

"Is this your house?" I ask instead.

Isang ngiti ang sumilay sa labi nito. "Tama ka, bahay namin ito ng asawa ko. Maaari kayong manatili hangga't sa gusto niyo, ngunit luma na ang bahay namin, hindi ako sigurado kung magiging komportable kayo rito."

"Why?" Natigilan ito sa naging tanong ko. Itinagilid pa nito ang ulo niya sa pagtataka habang nagdududa akong nakatingin sa kanya.

I'm wondering why she's helping us. Does she have any hidden motive? Ill intentions?

"Kailangan ko pa ba ng rason upang tulungan ang mga nangangailangan?"

This time, I was the one who's confused with what she said. Hindi ako nakasagot sa kanya. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko maintindihan. Is it really normal to help others in need? Do we really not need any reason to help? Why do we not need it?

[√]Lady of the White RoseWhere stories live. Discover now