1st Click

2 2 0
                                    

I've always wanted to lose my power, nuong una ang cool pa pero nuong nag tagal. Naisip ko nalang na ang dami kong nalalaman na hindi ko dapat malaman at sobrang sakit na mga salita.


Iyon din ang dahilan kung bakit ako umalis sa amin, hindi ko kinaya ang mga naririnig ko na sinasabi nila sa akin.


Dati may nagtanong sa akin na isang kaibigan. Bakit ko raw tinigil ang med school para maging isang photographer? Simple lang naman ang sagot ko roon.


"Sa isang simpleng letrato, hindi ko naririnig yung mga boses na ayaw ko marinig."


"Tapos na ba yung birthday sa Shangrila?" tanong sa akin ni Sharie.


"Oo, kaya nga hindi muna ako tumatanggap ng mga client ngayon kasi kakaibang pagod naramdaman ko sa debut na iyon!" sabi ko habang sumisimsim sa kape.


"Teka magpapasko napala, hindi ka ba uuwi sa probinsya niyo?" tanong sa akin ni Sharie.


"Ayaw ko roon, kung uuwi man ako baka saglit lang para lang makita ko yung pamangkin ko." sabi ko pa at tumango siya.


Malake na pala si  Treena, ilang taon na nung umalis ako saamin.


Dahil sa usapan naming iyon ni Sharie ay napag desisyonan kong umuwi sa amin dahil gusto ko makita kung may nagbago na ba sa compound naming puro chismosa ang laman.


'WELCOME TO CASSA JOSEFANA'

Perfect Photo, Perry (Cassa Josefana 1)Where stories live. Discover now