Chapter 27

201 4 0
                                    

'LOOK: Famous basketball star and three-time MVP, Ryder Labrador, found together with Charlotte Pena, a rising star in the Philippine entertainment industry...'

Sumimangot ako sa nabasa. Kabubukas ko lang ng phone at balak tawagan ang pamilya pero natigil dahil sa nakita. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko. Parang nakalimutan ko na ang ginagawa ko dito!

They were close to each other. The guy was assisting the girl towards a seat inside a fine dining restaurant. It looks like it's only the both of them. They were also seen going inside a car after their dinner.

I blinked rapidly as I felt the corners of my eyes getting warm from tears. Naiiyak kahit hindi alam kung ano ang nararamdaman. Naiiyak kahit naging blanko ang sistema niya.

Para akong nabalik sa batang Bella na ilang beses natititigan ang lalaki pero hindi alam kung bakit ganun ang nararamdaman niya. Para akong bumalik sa dati na hindi makayanan ang presensya ng lalaki kapag magkakaroon na ng pagkakataon na makita.

That was what Marco saw as he went inside the tent we're in.

"Tulala ka?" Salubong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagsusulat sa notebook binder tungkol sa impormasyon na nakuha ko kanina. Hindi ko na napansin na naka on pa ang screen ko noong iniwan ko sa desk ko.

"Ay, aray ko po. Masakit, Bella?" Pang aasar niya sa akin.

I pouted and rolled my eyes at the paper I was writing on. If only I knew how to hit a guy, I would do it in a heartbeat.

Nakilala ni Marco ang tungkol kay Ryder noong bumigay na ako sa pamimilit niya sa akin. Ilang beses niya na kasi tinatanong kung sino tapos nakita niya pa ang isa sa mga sinusulat ko sa notebook na bigay ng lalaki sa akin noon. Nakita niya rin ang isa sa mga tula na ginawa sa akin ng lalakI! Hindi na pinalampas ni Marco ang pagkakataon at nagtanong na kung sino.

"Shut up, doctor. Your voice is irritating." I said as I continued to write on the paper.

I heard his laugh before sitting beside me on the table. He removed his lab coat and placed it on the sofa near us. He plopped his elbow on the table and rested his chin on his closed fist. He watches what I'm doing.

"Baka wala lang 'yon, Bella." Sabi niya sa akin na parang gusto pawalain ang mga iniisip ko. Binalewala ko siya.

"Mukha naman gentleman 'yon. Aggressive sa court 'pag pinapanood ko pero soft outside."

I stopped writing to frown at him. "Are you saying he's like a hard-boiled egg?"

Tumawa nang malakas si Marco. Mahihiya sana ako kaso kaming dalawa lang ang nandito sa tent.

"Cute mo pa rin mainis, Bella. What more kung makita niya itsura mo ngayon, 'no? Baka panggigilan ka." Marco said while sporting a teasing smile to my blushing face.

"Stop it. Umalis ka na nga. Your girlfriend is probably looking for you."

Nakita ko na kinagat ni Marco ang labi niya para pigilan na ngumiti. Lalo akong nainis kasi ang pangit niyang tingnan kiligin!

After years of courtship, Olivia finally said her 'yes' to my scientist friend. Kasama rin kasi namin si Olivia dito sa research na ito. She represents the company she's in and has limited knowledge about the topic wherein she wants to learn more. Thankfully, she knew us already so she's always with us ever since we started this conference. That's the start of being a freaking third wheel.

Tapos kapag uuwi naman ako, magiging fifth wheel naman ako sa mga kaibigan ko. Hindi ko na nga alam kung saan pa ako lulugar!

Tumayo na si Marco matapos ang pang aasar sa akin. Kinuha ang lab coat at ang niluto niyang pagkain para sa girlfriend niya.

P.S Always and ForeverWhere stories live. Discover now