Chapter 1

10 3 0
                                    

Ayah's pov

"This will be your new home,"

Napamangha ako sa laki ng bahay ni lolo Tobias. Ngayon ko lamang nakita ang bahay niya. Noon pa man ay kinukwento niya na sa akin kung gaano kalaki ang bahay niya at doon na raw ako tumira pero hindi ako pumayag.

Hindi ko pinakita kung gaano ako namangha sa laki ngunit ngumiti lamang ako. Kahit na ay ang ganda, ang linis, at ang laki ng bahay niya hindi pa rin ito papantay sa pagmamahal ko sa bahay namin doon.

Sumunod ako kay lolo pagpasok niya sa mansion. May mga guard at maid ang naka linya sa gilid at bumati sa amin.

"Welcome to your new home, miss Ariyah." Sabay-sabay nilang bati sa akin. Lumapit ang iilan sa akin para tulungan akong dalhin ang gamit ko. Binigay ko na rin dahil nabibigatan ako at ayaw ko munang makipag away dahil ayaw kong ibigay ang gamit ko. Habang naglalakad papasok talaga sa mismong bahah ay may nakita akong garden, klase-klaseng mga bulak-lak ang narito.

Pagpasok namin ay sumalubong sa akin ang lamig. Naka aircon pala sa luob. Hindi ako sanay.

"Bettany, show her, her room." Utos ni lolo. Bettany bow her head and guide me. Nasa edad ko lamang ata siya. I'm 17 going 18 on August. Medyo may pagka morena siya, straight ata ang buhok niya? Hindi ko masiyadong masabi kung ano dahil naka bun. Nakasuot rin pala siya ng pang maid.

"Ma'am? Let's go to your room na po." Sabi niya. Hindi siya fluent sa pag eenglish pero at least she can speak one. She seems nice.

Sumunod na ako sa kaniya. Umakyat kami ng hagdanan. Habang naglalakad papunta sa kwarto ko, napansin kong maraming mga kwarto rito. Nasa pinakadulo ito. Pero napansin ko ring may tatlo pang kwarto sa left side. Nakalagay ang pangalan ko rito. Para siyang barbie logo pero pangalan ko ang nakalagay. Napalunok ako.

Barbie isn't my theme. Paano kung puno ng barbie ang kwarto na 'toh? I mean, I am grateful that I have a room. Like really.

"Dito po ang kwarto niyo," Binuksan niya naman ito.

Damn.

Hindi ako ang nagka mali. Ang kulay ng mga pader ay bright pink na masakit sa mata. Mga bedsheets ay baby pink. Tapos may mga collection ng mga barbie. May window naman sa right side ko. Kung naka harap ako sa pinto nasa left side ito.

"A-are you sure this is my room?" Tanong ko.
Baka kasi may nakatira rin rito tapos same kami ng name.

"Yes po. Matagal na po 'tong kwarto na ito. Higit sa labing-isang taon na ang nakalipas nang pina gawa itong kwarto na ito—" Napatigil naman siya at hinawakan ang bibig. "I'm sorry. I need to speak English."

"Kahit wag na, nakakaintindi naman ako ng tagalog eh. I can speak both language," Sabi ko.

"Akala ko po hindi kayo nakakaintindi ng tagalog." Nahihiya niyang sabi.

"You can talk to me casually. 'Wag kang mahiya," Malambing kong sabi. Kung dito muna ako maninirahan, kailangan kong masanay dito at magkaroon ng kaibigan.

"Salamat po," Nag bow naman siya. "Pero, hindi po kami narito palagi eh."

"Huh?"

"Ang ibig ko pong sabihin ay, narito lang po kami tuwing sabado at linggo para maglinis. Si kuya Jun lang po ang narito palagi para bantayan ang bahay, isa po siya sa mga guard."

"Gan'on ba? Si Lolo Tobias, diba dito siya palagi?"

"Ay, hindi po. Minsan lang yun umuuwi dito. Hindi po namin alam saan siya pumupunta. Pero, may naninirahan rin naman po rito."

"Multo?" Tanong ko. Napatawa naman siya ng mahina at umiling.

"Si Sir Drake po. Sampung buwan na ang nakalipas na naka tira sila dito. Ka edad niyo lang po siya 'tsaka po ang gwapo," Napa takip siya sa mukha niya dahil sa kilig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Willing To RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon