KABANATA 2

9 4 6
                                    

HALOS mag dadalawang araw na akong naririto. Kung hindi ko alam kung papaano ako napunta sa mundong ito ay hindi ko rin alam kung paano ako makakalabas dito. “Señora, wala ka po bang kapatid?” kailangan kong makakuha ng mga impormasiyon tungkol sa kaniya, at sa lahat ng tauhan ng diary.

“Nakalimutan mo na ba? Hindi ba't saksi ka sa lahat ng nangyari?” ang dami namang nangyaring hindi ko alam.

“Hindi ba't hinuli ng mga tulisan ang aking nakakatandang kapatid? Dahil nagtanan silang dalawa na kaniyang kasintahan na isang tulisan?” napatigil ako sa pagsusuklay ng kaniyang mahabang buhok.

“Saksi ka sa lahat ng nangyari Leonora, ngunit bakit mo naman ito nakalimutan?” parang umurong ang dila ko sa kaniyang sinabi. Kung puwede ko lang sabihin sa ’yo na hindi ako ang Leonorang tinutukoy mo nang hindi ka naguguluhan ay sinabi ko na.

“Masiyado ka na yatang makakalimutin.” napapilit ako ng tawa dahil sa sinabi niyang ’yon.

“Baka nga...” pagkatapos kong suklayin ang buhok niya ay lumabas na ako ng kwarto ni Señora Saturnina. May sariling tagapagturo raw na darating ngayon para maturuan ng lengguwaheng English si Señora. Hindi ko alam na hindi pa pala maalam sa lengguwaheng English ang mga nabubuhay sa taong ito.

Napahikab ako at inaalala ang nangyaring paghaharap namin ni Heneral Vero. Pinagbintangan niya akong pumasok daw ako sa kaniyang silid-aklatan na walang paalam. Ano namang gagawin ko doon? Hindi ko nga alam kung saan siya nakatira at kung saang lupalop ang bahay niya, eh.

Napadako ang tingin ko sa babaeng naglalakad patungo sa akin. “Leonora, gusto mo bang sumama sa palengke?” pinagmasdan ko siya nang mabuti. Bumagsak ang balikat ko ng hindi ko siya nakilala. Sana talaga tinapos ko na lang 'yong diary! Tanging reklamo ko sa aking isipan.

“Kasama naman natin si Ginang Flores.” sabay turo sa babaeng papalapit sa amin. Flores pala ang kaniyang pangalan. Pumayag akong sumama sa kanila upang makapaglibot-libot na rin.

NAPATINGIN ako sa dala-dala kong bayong. Akala ko ay sasama lang ako sa pamamalengke ngunit hindi ko alam na mamalengke rin pala ako. “Veronica, doon kayo sa may gulayan at ako na rito sa may isdaan. Dito tayo magkita.” Mabilis akong hinila ni Veronica raw sa mga nagbebenta ng mga gulay.

Hindi ko akalain na malayo pala ang bahay ng mga Cerrantes sa bayan at kailangan pa ng kalahating oras bago makapunta rito. “Leonora! Tingnan mo!” sinundan ko ang nguso niyang nakaturo sa aming harapan. Si Heneral Vero, nakasuot ito ng kaniyang uniporme at nakabrush ang buhok pataas. Anong ginagawa niya rito?

“Magandang umaga, Heneral Vero!” narinig kong masayang bati ni Veronica.

“Magandang araw din, Binibini.” gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. May tinatagong konting kabaitan naman pala siya. Nagtama ang aming mata. Napakunot ako ng nuo ng makita ang pagbago ng kaniyang ekspresiyon, napalitan iyon ng inis. Tinarayan ko siya at dinampot ang papaya.

“Hindi ba't kasama ito sa ating bibilhin, Veronica?” Tumango-tango ito.

“Maaari bang ikaw na ang magbayad? Ikaw naman ang may hawak ng pera.” Ibinigay ko ito sa kaniya. Habang abala si Veronica sa pagbayad ay binuksan ko ang listahan na dapat bilhin. Talbos ng kamote...at patatas. Napatingin ako patatas na nasa harap ko. Dadamputin ko na sana ito ngunit may mga kamay ng nakahawak dito.

“Ako ang nauna, Heneral.” Hinarap ko siya at matapang na tiningnan sa kaniyang mata. 

“Ngunit ako ang mas nauna sa ating dalawa.” sagot niya pabalik. Nanliit ang mata nito at naging matalim ang tingin.

“Hindi ko alam na hindi ka pala gentleman, Heneral Vero.” bahagyang tumaas ang kaniyang kaliwang kilay.

Mabilis niyang tinanggal ang kamay ng tinawag ako ni Veronica.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang TalaarawanWhere stories live. Discover now