SEIZE THE MOMENT AND FANTASIZE

8 0 0
                                    

Hi! I'm Jaine Serolf.

        It's been 13 years ago... crush ko parin si Orlando simula nung grade 3 pa kami nung una ko s'yang ginusto. Nagsimula sa kanyang pangungutya hanggang sa naghahabulan na kami dahil akoy napipikon na sa kanyang mga ginagawa.

Pero nung high school na kami ako ay nasasaktan na sa tuwing akoy kanyang kinukutya. Sa tingin niya akoy natutuwa sa kanyang ginagawa ngunit sa loob ko ay durog na durog na't gusto nang magwala.

Totoo pala ang kasabihan na 'Love your enemy' dahil kahit galit ako sa kanya pero di ko napigilang mahulog ang loob ko sa kanya.

Sa tuwing nangungutya siya sa'kin  Hersheys ang aking kinakain. Unang subo ko palang ay parang nasa langit at akoy napupunta isang magandang hardin.

I even imagine na sumasayaw kaming dalawa habang nagtitigan sa isa't-isa.

Saka lang ako natauhan Hershey ko ay tuluyan nang namaalam.

        Minsan ay para kaming aso't-pusa. Palaging nag-aaway. Hindi namin makuha ang tamang templa ng bawat isa.

Minsan ay sobrang bait na para bang nauntog ang ulo sa pader. Ako naman itong tanga kinikilig na sa kanyang pinapakita na sana ay 'di na magwawakas pa. Dahil minsan lang siya maging mabait sa akin.

Iba pala kapag gusto mo ang isang tao sa simpleng galaw niya kakabahan ka na nang todo. Kapag katabi mo ay mauutal ka na panigurado.

Nasa playground kami. Nakaupo sa isang tabi.

"Nakapagtataka ka ngayon Jaine..." panimula ni Orlando at nakatitig siya."  Mas lalo akong kinabahan dahil inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

"...U-Ummm...w-what are you d-doing Orland?" tanong ko na kinakabahan.

"Wala lang." Agarang niya sagot.

Kumain ulit ako ng hershey.

"Napapansin ko palagi ka na lang kumakain ng hershey," aniya. 

"Gusto mo? Masarap ito promise. Para kang nasa langit kapag kakain ka nito," pahayag ko sa kanya na hindi masusuklian ang kakaiba nitong tingin.

Sumubo siya sa hawak kong hershey at nginuya niya.

Nag-spark ang kanyang mga mata at ngumiti ng kay tamis.

"It so delicious indeed.." komento niya na nakatingin sa akin.

Masarap sa pakiramdam na kasama ko ang aking crush na kumakain sa paborito kong hershey.

Hanggang isang araw...last year 2022.

Nalaman ko na lang na kinasal ang lalaking gusto ko ng matagal.

Kita ko mismo sa mga mata niya ang kasiyahan.

Parang...pinagsakluban ako ng lupa sa aking nalaman.

Biglang pumatak ang aking mga luha ng 'di ko namalayan

Mabuti na lang may dala ako ang paborito kung hershey.

Kumain ako ng kumain.

Napunta uli ako sa isang hardin kung saan akoy kanyang hinalikan sa labi. I seized that moment na magkasama kami...ayaw ko palampasin ang sandali na kahit sa ganitong paraan ay parang may kami.

Nakatulogan ko pala ang aking pagpapantasya. Umaga na nang bumukas ang aking mga mata....sampung hersheys ang aking naubos.

Dun ko napatunayan na ang hershey ang tanging pain reliever sa aking naramdaman na kalungkutan. At ang nag-iisang kailanman ay 'di ako iiwan sa saya at lungkot Hersheys ay laging nandiyan.

"SEIZE THE MOMENT AND FANTASIZE" ( #HersheysMode )Where stories live. Discover now