Chapter 19: The Enemy

117 5 0
                                    

By:little_angel💖

{§}~{§}~Chapter 19||The Enemy~{=}~{=}

{¤}~{¤}~Lennox POV~{¤}~{¤}

Nandito na kami ngayon sa mga dorm namin at lahat sila ay pagod dahil sa pagsasanay nila ako lang yata ang hindi pagod ngayong araw na ito, kasi naman nakaupo lang ako sa upuan na nasa malapit sa Garden habang pinagmamasdan silang nagsasanay ng kanilang mga kapangyarihan.

"Ano ang gusto niyong kainin ngayon?"--tanong ko sa kanila.

"Bakit ikaw ba ang magluluto?"--tanong naman ni Wilson.

"Magtatanong ba ako kung hindi ako ang magluluto?"--tanong ko naman.

"Wehhh? Marunong kang magluto?"--tanong naman ni Cynthia.

"Baka hindi yan masarap!"--saad naman ni Dan.

"Mahal, yung tinola tsaka adobo!"--saad sa akin ni Jino sabay kindat.

"Kayo ba?"--tanong ko naman.

"Damihan mo nalang Lennox para sa ating lahat!"--saad naman ni Sandra.

"Cge!"--saad ko naman.

"Alam niyo marunong talagang magluto si Lennox at masarap pa kaya wag na kayong magtaka!"--saad naman ni Jino sa mga kasamahan namin.

"Maiwan ko na muna kayo!"--saad ko namn sabay lakad papunta sa kusina.

Pagdating ko sa Kusina ay agad ko nang inihanda ang mga kakailanganin ko sa aking lulutuing ulam, nakita naman ako ng mga dama dito at nagulat sila dahil ako ang magluluto ng kakainin namin ngayon.

"Mahal na Prinsipe, kami na po dyan!"--saad ng dama.

"Naku ako na sanay naman akong magluto ng mga ulam kaya ayos lang sa akin!"--saad ko naman.

"Cge po!"--saad naman ng dama.

Kaya naman ay agad na akong nagumpisang maghiwa ng mga kakailanganin kong mga sahog at nang matapos na nga akong maghiwa ng mga sahog ay kumuha na ako ng karne ng manok at karne ng baboy na galing pa mismo sa mundo ng mga tao, buti nalang marami pang stock ng mga karne.

Nang mahiwa ko na ang mga Karne ay agad ko itong hinugasan tsaka nagsimula na akong magluto.

Hindi nga nagtagal ay naamoy kona ang bango ng niluluto kong ulam at ang bango ng tinola at adobo pinagsabay ko kasi itong lutuin.

Hindi nga nagtagal ay luto na ang dalawang ulam na niluluto ko kaya naman ay nagsaing na ako ng kanin para makakain na agad kami kasi mga pagod yung mga yun.

Hinanda ko naman tung mesa at nang matapos ko ng hinanda ang mesa ay agad ko na pinatawag sa mga dama ang mga kasamahan ko para mabakain na kaming lahat.

"Hmmm! Ang bango naman!"--saad ni Jino nang makapasok sila sa kusina at nakita nilang nakahanda ang mga pagkain sa mesa.

"Ikaw ba talaga ang nagluto ng mga to!"--tanong naman ni Shiro.

"Oo naman, tinuruan kaya ako ni Mommy kung pano magluto kaya marunong akong magluto!"--saad ko naman.

"Ang swerte pala ni Kuya Jino sayo Kuya Lennox!"--saad naman ni Jenny.

"Bakit naman?"--tanong ko naman.

"Kasi marunong kang magluto at higit sa lahat cute!"--saad naman ni Jenny.

"Hmm! Nagbola kapa!"--saad ko naman.

"Hahah! Buti naman kuya Lennox marunong kang magluto dahil kung hindi lagi kang gutom kapag nagsama na kayo sa iisang bahay!"--saad pa ni Jenny.

The Lost Kingdom of Scarlet Despair(A Powerful Gay Summoner Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon